BAD TRIP · GOOD TRIP · LAUGH TRIP · TODAY'S TRIP

Moving-on: The hard way

Like any other type of doing it, there are two types of moving-on. And of course, when you ask your friend, your parents, or the vast library of opinions in the internet, they will always give you the most easiest and sympathetic solution to move-on. But what if they don’t simply work and you just gotta have to brush these feelings off right now? Then there’s the hard way. It’s like when a machine clanks: the “hit-it-with-a-wrench” easy fix.

tumblr_mrcj4nmqtG1ql8fh8o9_500.gif

I’m not recommending this type of solution because it resembles the persuasive and convincing quote “To motivate people, you need to destroy them.” of firms since salary, apparently, is not enough to drive their employee’s productivity these days. In addition, if you have a weak heart, I suggest you go back in browsing the internet for more pleasant way. But then again, where’s the courage of moving-on when you’re still believing in fairy tales, right?

So, here it goes: The steps of moving-on: THE HARD WAY VERSION (This is your final warning. This blog is not for faint of heart).

0

To move-on, you would have to retrace your steps of your relationship starting from the day you met him/her up to the day the both of you exchanged goodbyes. unlike the mild way of slowly forgetting him/her and replacing the bad memories. In this way, you will exhaust yourself by reminiscing the past and a bit of tears to burst out your feelings. You would also need a camera.

First, go to the place where you first met him/her. Remember everything that happened on that particular spot. It could bring you tears but facing the reality and getting through it will make you stronger. Take a picture of that spot on your perspective and burn the memory to your mind until you feel tired and not getting affected anymore.

Then go to the place where you guys often hangout. Again, take a picture of that place from your perspective. If it’s a diner, order the same meal. If it’s a play park, play a game. If it’s a theater, go watch a movie (but don’t take pictures inside or you’ll get caught). Burn the memory into your head. Cry if you have to. Until you get tired.

Go to the place where you guys spent the happiest moment. It’s different from the place where you guys hangout. But if you think it’s the same place, then disregard this one. This particular place, like the last place you will need to visit, can either make you feel extremely angry or sad. Imagine: This is the place where you and him/her spent the loudest laughs, the memory of the warmest hug, and exchanged the tenderest kiss. And if you’re a girl and he gave you a ring for a gift, I bet this is that place. Don’t forget to take a picture.

giphy.gif

Lastly, the place where the two of you part ways. This is the place where the skies fall down to earth. Where your world crumbles down to your feet. The dreams you thought were real was shattered to pieces. Since you’re the one moving-on, he/she is probably the one who asked for this relationship to stop. This is where you first and should be the last place where you will cry. If he gave you something that he doesn’t want back, bring them with you. Take a picture and look at the photos one-by-one for the last time. and delete them all. As for the items, if you think you have no use for them, you can trash or burn them. Go to a public comfort room, find a sink and shout as loud as you can underwater. It will make you fell better.

When you’re done, think about this:¬†I am very fortunate to experience this moment as early as now. This is a lesson for me and now I’m free, I will enjoy my days as single and let tomorrow guide me to the deserving one.

Good luck ūüôā

By Rapunzel
2

Advertisements
BAD TRIP · GOOD TRIP · TODAY'S TRIP

Bakit Hindi Ka Dapat Magpaligaw

7955709662_fc3ab54108_b

Masyadong marami pero sasabihin ko na yung pinaka dahilan kung bakit hindi pwede: Kasi ang panliligaw ay maihahalintulad sa pamimilit.

Hindi ako bitter pero baka hindi ka na rin magpaligaw pagkatapos kong ipaliwanag sayo.

Ang panliligaw marahil ang pinaka-unang hakbang upang magsimula ang isang matibay na pagsasama. Kung dito pa lang sa parteng ito ay magkakamali ka na, siguradong malaki ang magiging epekto nito sa pagsasama niyong dalawa.

Ganito ang istilo ng mga kalalakihan sa panahon ngayon:

1. Pag-Obserba
Kikilalanin ka niya. Marahil bilang isang kaibigan o pag-silip sa Facebook mo. Maari rin sa pagtatanong sa mga tao sa paligid mo. Sa pagkakataong ito ay oobserbahan niya ang iyong kaugalian, estado, kultura, minsan relihiyon, pisikal na pangangatawan, at ang iyong ideal partner. Pag pasado ka, susunod na ang pag-bago niya sa sarili.

2. Pagbago sa sarili
Pipilitan niyang i-adjust ang sarili upang mapansin at magustuhan mo siya. Siya ang magiging¬†ideal guy mo at tiyak na magugustuhan mo siya. At kung sakali namang hindi niya magawa yung ibang mahirap na aspeto (gaya ng pangangatawan), bibigyan ka niya ng ideya na magpapabago sa kagustuhan mo. Halimbawa “Pangit din pag may¬†abs kasi¬†chick magnet. E pag medyo mataba, masarap yakapin.”

3. Panliligaw
Ito ang¬†step¬†kung saan ipapakita niya sa’yo na may interes siya sayo at gusto niyang maging parte ka ng buhay niya. At dahil siya na nga ang¬†ideal guy¬†mo, papayag ka magpaligaw. At sa loob ng maikling panahon na pagpapakilala niya sayo bilang taong pinapangarap mo, ay mahuhulog ka sa kanya.

Wala namang problema doon kung mapapanatili niya ang sarili niya bilang taong hindi totoong siya hanggang sa pag-tanda niyo. Paglumabas ang tunay niyang kulay matapos ang ilang buwan o taon, may pagkakataong ka pa upang ayusin ang lahat. Yoon nga lang, maraming mga araw na ang nasayang. Nakapanghihinayang kung sa loob ng maikling panahon na kasama mo ang maling tao, ay siya namang nagpakita sayo yung totoong taong para sayo. Masasabi kong swerte ka pa. Isipin mo ngayon kung inilabas niya ang tunay niyang pagkatao after ng kasal niyo. Mas malaking problema, diba?

Ganito na lang. Trust your instincts. Sa iyong imahinasyon, gumawa ka ng ideal guy mo. Itsura, estado, ugali, at lahat ng aspetong masasabi mong mapapa-ibig kang talaga. Ang mundo ay may Pitong bilyong tao na may 1:1 ratio, imposibleng hindi mo mahanap ang ideal guy mo. At kung hindi mo siya makita, marahil hindi pa ito ang tamang oras para makilala mo ang taong magpapatibok ng puso mo.

Kung nahanap mo naman na si Mr.Right, ipagtapat mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman at¬†wag mo siyang pakawalan. Ingatan mo siya at huwag mong sasaktan. Tandaan mo na kung mutual ang feelings¬†niyo, madali kayong magkakasundo at magkakaunawaan. Ano man ang gawin niyo ay matatanggap ng isa’t-isa.

Hindi niya kailangang manligaw dahil nagpapa-impress lang naman¬†siya sa’yo. Hindi niya pinapakita ang totoong pagkatao niya, bagkos, ipinapakita niya ang taong gusto mong makita sa kanya. Nararapat lamang na magustuhan mo siya sa totoong pagkatao niya at hindi sa pagpapanggap¬†niya.

By Cinderella
3

ROAD TRIP

Senyales na kinain ka na ng sistema

Nakatanggap ka na ba ng komentong “Kinain ka na ng sistema, bes”? Kung oo, wag ka matuwa dahil bukod sa senyales ito na lalayuan ka na ng kaibigan mo, pinaparating pa niya sa lahat ang pagiging mang-mang mo.

pokemon
Ano nga ba ang ibig sabihin pag sinasabing “nilamon ka na ng sistema”? Oo, nilamon na nang tuluyan. Past tense. Sila yung mga taong hindi lubusang alam ang nangyayari sa kasalukuyan ngunit nakikisali sa kadahilanang ito ay uso. Madaling malaman ang mga taong ganito dahil madalas napapatunayan ang pagiging ganito ng isang tao base sa pino-post nila sa social media sites gaya ng facebook at twitter. Kapansin-pansin ding binabase nila ang kaalaman nila sa isang trending base lamang sa maliit na empormasyong napadaan lang sa newsfeed nila.

Wag ka mag-alala, heto ang ilang mga senyales na tuluyan ka na ngang nilamon ng sistema:

1. Sheep mentality. Ito ang pinaka-obvious na senyales. Dito nagsisimula ang lahat. Isipin mo ang sarili mong kasama ang grupo ng mga taong hindi mo kilala at sabay sabay silang nagtaas ng kaliwang kamay, itatas mo rin ba ang kaliwang kamay mo?

2. Hindi ka nahuhuli sa uso. Ginagawa mo yung mga trending kahit di mo lubusang alam ang pinanggalingan o dahil nito. Kung nag-vape ka dahil uso at palusot mo lang na dahil mas healthy ito kaysa totoong sigarilyo, sino ang niloko mo? At kung ito man ang totoo mong dahilan, paki-iwasan nalang ibuga sa mukha ng tao. Hindi ho nakakatuwa.

3. Hindi mo alam yung pinapasok mo.Sige ka lang ng sige. Dahil socially accepted akala mo maganda o tama na? Hindi mo alam yung pinagkaiba ng tama at mabuti. Hindi mo alam pinaglalaban mo. Para kang si De Lima, me-ma lang.

4. Hindi mo nagawang mag-gwiyomi dati at pinagsisihan mong hindi mo yun. Yung usong-usong gwiyomi video na nag-pulbo ka pa pero hindi natuloy kasi pumasok sa kwarto yung ate mo at nahiya ka.

5. Hindi mo man nagawa ang gwiyomi, sinigurado nagawa mo na ang mag snap chat sa pagkakataong ito. lahat, ultimo aso nyong nananahimik sa tabi nilagyan mo ng caption.

6. Kasama sa budget mo ang Starbucks. Dahil daw feeling sosyal talaga pag may hawak kang venti sized mocha frappe. Binanggit mo ba ang nasabing produkto like how their barista say it upon getting your order? choz!

7. Araw-araw kang nabibiktima ni Scroll-down. Madalas din ito tawaging “nilalamon ka na ng scroll-down.” Lalo na kung kelan kailangan mo na talagang magtrabaho at saka mo naisipang sumilip ng”bahagya” sa Facebook mo…and scroll down, scroll down, scroll down…(repeat forever)

8. Speaking of forever, sino ba namang hindi nakaka-alam ng sikat na #WalangForever? Hanggat wala namang naire-report na namamatay sa sikat na hash-tag na ito ay hindi ito matatawag na delikado. Ang pangit lang, yung malakas ka mag-sabi nito pero wala pang 1 week ang break-up nyo ni bae, e may bago ka nanaman.

9. Yung iba naman, suporter ng #WalangForever pero may kasintahan. Kung tinatanggap mo ang mga katagang ito in a literal way gaya ng kung paano tinatranslate ng Google ang salitang “Kinain ng Sistema”, wala namang problema doon. Pero huwag nalang banggitin upang hindi mag-dulot ng misconceptions. Mapapa-away ka pa sa social media.

10. Buy now, pulubi later. Malakas gumastos hanggat may pera. I-treat ang sarili hanggat may pagkakataon. Bumili hanggat kaya. Mga ganitong pag iisip ang dahilan kaya’t madalas nauuwi sa…

11. Isa ka sa mga gumagapang 5 days before payday. Walang pera at gagawin ang lahat upang magkaroon ng pamasahe. May emergency escape flight kapag nagka-yayaan na sa Jollibee.

12. Naniniwala kang nagtrabaho ka ng mabuti nung weekdays upang mabuhay ng weekends. Friday na, inuman na! -sa kadahilanang ginagawa ito ng karamihan.

13. Naaalala mo ang isang produkto base sa artistang commercial model nito. Naalala ko yung lola kong nag-utos saakin bumili ng kape. Hindi niya maalala yung brand pero naalala nyang si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang umiinom nito. Note: Nung sinabi kong “Nescafe creamy white?” hindi daw yun yon.

14. Naniwala kang ang demokrasyang dilaw ay makatao talaga. Oo, kahit hinain na sa harapan mo at isusubo mo nalang ng mga taong totoong nagbuwis ng buhay para lang masabi ang totoo, ipinikit mo parin ang mga mata mo kasi akala mo pag sinabi ng media na 3 ang sagot ng pangulo sa tanong na 1 + 1, paniwalang-paniwala ka naman.

15. Nung sinabi ni ex-President Noynoy na dapat tinutupad ng isang presidente ang mga salitang binibitawan niya, nakalimutan mong binanggit nyang magpapasagasa silang dalawa ni abaya sa tren.

16. Tiwalang tiwala ka sa mga nababalitaan mo sa Facebook. Baka nakakalimutan mong halos kalahating porsiyento sa internet ay kalokohan.

17. Mayroong mga kantang ‘closer’ by Ching Smokers, ‘Nobody’s Better’ by Fetty Wap, ‘Trumpets’ at ‘Running Man’ sa playlist mo. At nagagalit o natatawa ka sakin kasi akala mo nagkamali ako sa pagsulat ng Ching na sa halip ay Chain Smokers. Obvious ka, teh.

18.¬† Mahilig ka mag sabi ng “dapat” kahit wala namang basis. Kahit wala ka sa katayuan para sabihin yan. Gaya ng kung paano ka mag-comment sa status ng kaibigan mong broken-hearted, wagas pero nganga ka rin nman pag nangyari sayo.

19. Gaya ni De Lima, me-ma ka din. (me-masabi lang). Yoon bang talagang wala kang alam sa mga pinag-uusapan pero kating-kati ka na talaga mag-comment. Ayan, mali na nga grammar mo, anlayo pa ng sagot mo sa pinaguusapan.

20. Pokemon-Go.

Siguro naman hindi yan lahat nasa iyo. Ngayong alam mo na, wag mo nang subukang gawin yan lahat. Wag kang maging mang-mang.