BAD TRIP · GOOD TRIP · LAUGH TRIP · TODAY'S TRIP

Paano Niya Sinira ang Relationship Niyo

komedi_1492517130929_897.gif

Ayan. At nandito na nga tayo sa puntong wala na kayong tiwala sa isa’t-isa. Dati’y kayo ang sumisimbolo ng forever na ipinagmamalaki ng mga kaibigan nyo. #WalangForverBREAKER! Ngayon nandito ka sa dulo kung saan naghahanap ka ng kasagutan sa tanong na

“Saan ako nagkamali?”

Buti nalang at biniyayaan ka ng internet upang mahanap ang sagot bago mahuli ang lahat. Hayaan mong sabihin ko sayo kung ano, or rather “sino” ang dahilan kung bakit nasira ang  pagmamahalan nyo. Kung sa tingin mo walang sino man ang may kinalaman sa pagkasira ng matibay ninyong pagmamahalan, think again. Malakas ang power of influence, maniwala ka.

 

Ang relationship ay parang DEAL. Pag hindi kayo nagkasundo sa umpisa, 99% lalagpak sa malamig na semento ang kinabukasan nyo. Hindi pwede ang adjustment. Para ninyong niloloko ang sarili nyo non kasi hindi yan parang relehiyon na pinanganak kang Katoliko at matapos ang labing-anim na taon ay binautismuhan ka bilang Born-Again Christian nung nalingat ang parents mo noong isang Linggo. Ano man ang gagawin ninyong adjustment ay kalaunang babalik sa dati at lalabas ang inyong mga tunay na kulay. Yung 1% para lang yun sa mga taong handang tanggapin ang lahat. Mga taong may satisfaction sa buhay. Alam naman nating bibihira lang ang mga taong ganoon.

At eto ka, nagtatanong kung saan ka nagkamali at tila iiwan ka niya. Ang totoo, masyado mong inadjust ang sarili mo. Isinara mo ang pinto at nag-focus sa inyong dalawa ng partner mo. Nakalimutan mong tumingin sa mga tao sa paligid mo at hindi mo sila nabantayan.

Ito lang naman ang sistematikong ginawa ng taong sumira ng pagmamahalan niyo:

  1. Motive
    Maraming klase ng ulterior motive. Maaring gumaganti siya. O gusto niya yung partner mo. Pwede rin ayaw niya sa partner mo o sayo mismo kung pamilya siya ng isa sa inyo. Posible ring katuwaan sa kanya ang lahat. Ano man ang dahilan, huli mo na ito nalaman dahil malapit na siya magtagumpay.
    .
  2. Weakness
    Hindi kailangang maging stalker para malaman ang kahinaan ng isang relationship. Makinig ka lang ng kaunti, malalaman mo na. Hindi rin kinakailangang pumasok sa social circle, kahit tao lang siya sa background mahahanapan niya ng butas ang pagmamahalan niyo. Madalas ang kahinaan ng isang relationship ay kung ano ang wala at dito na niya naisip kung papasok siya sa social circle niyo o manunuod lang siya sa likod dahil mas safe doon. Gagamitin niya yung bagay na wala sa inyo at ibibigay niya sa kanya o sa iyo. At mukhang tinanggap na niya yoon ng hindi mo alam.
    .
  3. Authority and Status (side strategy)
    Ang hakbang na ito ay para naman sa gustong tapusin ang relationship niyo in just a snap. Simple lang, kung parents mo siya, tatakutin ka niya o yung partner mo. Maaring ginawa niya ito upang mataasan ang mga kayang ibigay mo sa partner mo. Hindi ko naman sinasabing Gold Digger ang kasintahan mo, pero let’s be honest, malakas talaga ang hatak sa mata kapag may katungkulan yung tao. Magre-rely ka nalang sa tiwala o sa angking kakisigan at kagandahan mo.
    .
  4. Idea
    Sabi nga nila, “Ang Ideya ang pinakamalakas na armas ng sangkatauhan.” Binigyan niya ng ideya ang partner mo at sinimulan niya yun sa pagbigay ng kung ano ang kulang sa relationship niyo. Maaaring nagbigay siya ng better choice. Maaari ding idinaan niya sa deal. Maaari ding nagbigay siya ng haka-haka base sa kinuwento ng partner mo sa kanya. Ideya rin ang dahilan kaya’t magsisinungaling ang partner mo sa’yo.
    .
    Untitled.jpg.
  5. Doubt
    Sinira niya ang tiwala ng kasintahan mo sa iyo. Dahil malakas ang kapangyarihan ng impluwensya. Madali lang sabihin sa partner mo na…hmmm… “may nangyari sa amin kagabi”? o “Anong binili ng jowa mo sa Sogo kahapon?” or… “Alam ko yang mga ganyan. Siguro may iba na siya?” Simpleng ideya na naging pagdududa. Kung nag-aaway kayo ngayon, nandito ka na sa part na ito. At pag hindi mo naayos yan, huling yugto na siya sa mga plano niya.
    .
  6. Break Up
    Bihira lang ang mag-partner na hindi humahantong sa hiwalayan after ng Doubt. Nakaligtas man kayo ngayon, hindi na nito maaayos ang lamat sa pagmamahalan ninyong dalawa. Mauuulit ang pag-aaway na naranasan ninyo. Pahirap nang pahirap hanggang sa puntong susuko ang isa sa inyo. Pasensiya na ngunit sa oras na tumuntong ka sa pang-limang hakbang ng pagmamanipula niya, mahirap nang ayusin yan. Lalo na kung may history ka pa ng pangangaliwa o panloloko. Isa yang sumpa na kailan man hindi maaalis sa pagkatao kahit hindi mo na ito ginagawa.

Isang pagmamahalang nasira dahil sa ibang tao. Masakit man tanggapin ngunit madalas, Break-up na talaga ang sulusyon dahil hindi man siya nagtagumpay ngayon, babawi siya sa susunod. Sumuko man siya, may ibang papalit sa kanya upang ituloy ang nasimulan niya. Hanggang sa lumaki ang crack at tuluyang mabasag ang tiwala ninyo sa isa’t-isa.

Nasagot ko na ang katanungan mo. Nagkamali ka sa pagwa-walang bahala sa mga taong nakapaligid sa inyo at hindi mo naisip na maaari nilang sirain ang relationship na iyong iningat-ingatan.

Kung sakaling malampasan niyo ito, wag mo na kalimutan na ang mundo ay hindi lang sa inyong dalawa umiikot. Isipin niyo rin ang mga tao sa paligid niyo. Mahirap ayusin pero wag ka mag alala. May solusyon para diyan.

By: Cinderella
3

 

Advertisements