BAD TRIP · LAUGH TRIP · TODAY'S TRIP

Ang Peste-8 sa Opisina mo

peste

Introducing, ang mga taong bumubuo sa opisina mo araw-araw. Mga taong pe-peste sa umaga mo at mag-iiwan ng dahilan ng pananakit ng batok mo sa gabi.

Alam ko’ng ngayon palang ay kumukunot na ang iyong kilay dahil hindi ka pa umaabot sa main part, ay naaalala mo na kaagad kung pa’no nasira ang araw mo dahil sa mga ka-trabaho mo. Parang si Jollibee lang iyan na hindi nagsasawang magpa-bibo na kulang nalang ay tumambling siya sa harapan mo, mai-bida lang niya ang suot niyang sandals.

Ngunit alam nating lahat na hindi lang si Jollibee ang maaaring maging ugat ng init ng ulo mo sa iyong trabaho – at hindi trabaho ang tinutukoy ko kundi ang mga katrabaho mo mismo. Upang mas makilala mo sila, iisa-isahin ko na para sa’yo – Ang mga miyembrong bumubo ng Peste-8 sa Opisina Mo:

#1. Jollibee – Kung hindi mo kilala si Jollibee at hindi mo napansin yung nakaraang blog ko tungkol sa kanya, ipapakilala ko ulit siya sa’yo. Siya ay ang iyong pabibong officemate. Siya yung hindi nauubusan ng maipagmamayabang mai-bida niya lang ang sarili niya sa lahong lahat ng kaugalian ng mga miyembro ng Peste-8 ay kaya niya rin gawin.

#2. Taong Linta – Mas makapit pa sa tuko itong si Linta-Man kung maka sipsip sa taong may mataas na katungkulan sa opisina niyo. Alindog at nakalalasong bulong ang kanyang pangunahing armas upang mapaikot ang boss niyo. At kung di ka nabiyayaan ng magandang kaanyuan, ay siguradong pupulutin ka sa kangkungan pag kinalaban mo si LintaMan/Woman.

#3. Song Bird – Ito naman yung ka-officemate mong daig pa si regine vilasquez sa galing nitong kumanta ng mga kalokohang ginagawa at hindi mo ginagawa sa opisina. Siya yung willing makinig sa mga saloobin at hinanakit mo tungkol sa kunpanya, na willing din naman niya i-kanta sa boss mo. Kasasabi mo lang sa kanya kanina na huwag sasabihin sa iba, biglang magugulat ka nalang alam na kagad ng boss mo. Chismax to the max. Ang galing, sana isinigaw mo nalang.

#4. Mr.Krabs – ang kaopisina mo namang hihilahin ka pababa, huwag lang maunahan. Siya yung kaopisina mong hindi natutuwa pag napupuri ang iba. Maaaring inggit o sadyang nasa dugo na niya ang pagiging isang atleta – pinanganak upang makipag kumpetensya. Marunong rin tumira ng pailalim itong si Mr. Krabs na handa siyang isabotahe ang pag-unlad mo upang hindi ka maka-ahon sa putik na kinalulubugan mo.

#5. Master Buraot – Tinamaan ng matinding kahirapan ang kaopisinang mong ito dahil sa tuwing may isusubo ka, ay hihingin niya ang kalahati. OO KALAHATI. Dahil ayaw niyang sumobra, nakakahiya nga naman. Ngunit kapag mas kaunti naman ay hindi na siya nakakatulog sa gabi. Kung may tatlong siomai ka, tag-isa’t kalahati kayo. Hindi pwedeng isa lang ang sa kanya, sayang naman yung kalahati. Malakas din ang pandinig ni Master Buraot. Naririnig niya ang kaluskos ng binubuksang chipy across the office floor at gagamit siya ng hypersonic teleportation. Magugulat ka nalang, nakapasok na ang kamay niya sa sitsirya mo.

#6. Utang Lord – Parang si Linta-Man lang din, malagkit kumapit pag may kailangan, ngunit Madulas pag araw na ng bayaran. Nakakaawa ang kaniyang mga tingin at talaga namang ikaw ang lalabas na masamang tao pag hindi mo siya napautang. Ngunit pag araw na ng singilan, nagiging ninja ang kaopisina mong ito, biglang nawawala.

#7. Swiper – Mas mabilis pa sa alas-kwatro kung pumitik ng bolpen ang mga makakating kamay nitong kaopisinang mo na si Swiper. Hindi mo madadaan sa written report, dahil wala ka nang ballpen bago ka pa makahanap ng papel. At dahil kakampi niya ang taong Linta, hindi mo rin magawang magsumbong dahil alam mong ikaw ang talo. Siya ang pangunahing salarin sa nawawala mong kagamitan sa locker na hindi mo mai-lock kasi may kumuha ng padlock. At bukod sa mga nawawalang personal na kagamitan, siya din ang nasa likod ng mga nawawalang office supplies gaya ng isang rim ng bond paper, markers at ballpens, station mouse, pakete ng kape, tissue, atbp. magbubukas ata siya g office supplies sa bahay nila.

#8. Beastmode – Madalas siya ang boss mo o supervisor mo. Pag may nagawa ka, pagagalitan ka niya. Pag wala ka naman ginawa, pagagalitan ka parin niya. “Bakit hindi? eh wala ka ngang ginagawa diba?!” pagagalitan ka nanaman niyan. Para bang pinaglihi siya sa sama ng loob at araw-araw siya naglilihi. Kagaya mo, maaring nasira lang din ang araw niya dahil sa mga kapwa niya peste sa opnisina ninyo. Ang pinagkaiba niya lang sayo, mas pinili niyang ipamahagi ang nasirang araw niya sa iba. Shampoo nalang ang dalhin mo, sagot na niya ang pag sabon sa’yo.

 

By SnowWhite
0snowwhite

Advertisements

One thought on “Ang Peste-8 sa Opisina mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s