BAD TRIP · GOOD TRIP · LAUGH TRIP · TODAY'S TRIP

Sampung Senyales na isa kang Taong Pa-BIBO

Pabibo ka ba?

Kung hindi mo alam kung nagiging Pabibo ka na, malamang ay dahil hindi mo alam ang ibig-sabihin pag tawag ka’ng pabibo.

Ano nga ba ang pabibo?

Ang Pabibo (o Pabida) ay nagmula sa salitang tagalog na bibo na ang ibig sabihin ay batang kapansin-pansin dahil sa kaugalian nitong pagiging cute, makulit, masigla, at masiyahin na ikinatutuwa ng mga matatanda. Bidang-bida sa paningin dahil talaga namang nakaka-kuha ng pansin.

1115754

Ngunit pag tinawag kang Pabibo o Pabida, ay iba nang usapan iyan. Mayroon kang ginagawa na akala mo’y wasto, yoon pala’y labis nang kinaiinis ng iba. Ngunit sa halip na idaan nila ito sa marahas at madugong paraan, sa halip ay tinatawag ka nalang nila na isang taong Pabibo.

Pabibo ka. Hindi ka nakakatuwa.

Sandali lang. Bitawan mo muna yang lubid. Maaaring nararanasan mong matawag na pabibo dahil hindi mo alam ang ginagawa mo. Heto, sasabihin ko sayo ang sampung bagay na ginagawa mo na kung hindi mo titigilan ay sila na mismo ang sasakal sayo:

1. Mahilig kang Magpasikat

Ito marahil ang pinaka-unang dahilan upang mapaaway ka sa kanto. Lahat ng taong pabibo ay mayroon nito. Mahilig kang magpasikat. Ang hilig mong ipakita sa lahat ang mga bagay na mayroon ka. Hindi buo ang araw mo pag hindi mo nai-bida ang bagay na akala mo’ng ikaw lang ang mayroon. Kaya’t pag nalaman mong mayroon din yung taong pinagmamayabangan mo, nananahimik ka bigla.

0dc41f60e62fd865059da7ee28a941982fd20753e2f7cb245442aab6a5e2ce92.jpg

2. Kulang ka sa Pansin

Hindi mo mapigilan ang sarili mo na mangalabit at manghingi ng pansin. Gusto mo nasayo ang atensyon ng lahat. Gustong gusto mo pag pinupuri ka ng mga tao sa paligid mo at proud ka rin kapag pinaguusapan ka nila. Ngunit naiinis ka naman kapag masama ang mga naririnig mo tungkol sayo. Wag ganon, friend.

3. Laging ikaw yung Magaling

Hindi mo maiwasang makialam sa gawain o kasuotan ng iba. Para ba’ng kaylangan mo laging magbigay ng Advise kahit hindi naman hinihingi. Sinisimulan mo ito sa pag sabi ng “Dapat kase-“. Ibibida mo sa kanila na mas magaling ka sa mga bagay na ginagawa nila. Hindi naman nila kailangan yung opinyon mo pero sasabihin mo parin syempre. Bakit nga naman hindi? Pabibo ka e.

4. Mali ang Timing mo

Mali ang tiyempo mo sa lahat ng bagay. Mali ang timing mo ng biro, mali ang timing mo ng pangungulit, at mali ang timing mo magpa-pabida. Hindi mo iniisip kung ano ang kasalukuyang nararamdaman o iniisip ng taong mabibiktima mo. May pagkakataong sasabog ang taong ito sa galit ngunit dahil mas propesyonal siya kaysa sayo, mananahimik nalang siya kaysa makulong sa pagsakal sayo.

5. Akala mo ikaw lang ang Tao sa Mundo

Alam mo naman talagang hindi mo kailangang tumawa ng malakas o mag-react ng sobra ngunit dahil gusto mo rin malaman kung lilingunin ka nila, mag o-overreact ka. Tuwang-tuwa ka naman dahil sa muli ay napalalunan mo nanaman ang pansin nila. Wag mong gawin yan parati dahil pag nagkaroon ng araw na biglang walang pumansin sa’yo, promise magmumukha kang t@#6a.

8272eff021336c1ab5c9941251ee3d4eed1cc65e5d4952c3a7ca2538ebb9d376.jpg

6. Sayo ang Huling Salita

EDI IKAW NA! Hindi mo maiwasang ibida ang kwento mo sa kwento ng iba. At syempre umaasa kang makatanggap din iyon ng parehas na dami ng atensyon. Sisimulan mo ito sa pagsabi ng “Ako nga e-” na sinusundan ng kwento mong mas kamangha-mangha kaysa kwento nya. At bago matapos ang isang kwento, gusto mo opinion mo ang tatapos. Oras nila yun para magpa-bida, wag kang ano.

7. Hindi ka nagpapahuli

Hindi mo hinahayaan ang sarili mong maging huli sa isang bagay o pangyayari. Kahit hindi naman kailangang nandoon ka, isisingit mo ang sarili mo, mai-sali ka lang. Nandoon ang pagnanais mong mapabilang sa lahat ng bagay na ginagawa ng mga kasamahan mo. At pakiramdam mo hindi ka nila gusto at napagkakaisahan ka kapag napapag-iwanan ka. Maaaring tama ka.

8. Nagiinarte ka

Nagiinarte ka ng wala sa lugar. Whether maarte ka lang talaga or kunwari lang. Maaaring hindi mo talaga gusto ang isang bagay ngunit hindi ito dahilan upang mag inarte ka ng sobra. Tandaan, bata lang ang nagta-tantrums sa tuwing hindi niya nakukuha ang gusto niya. Ang mas lalong nakakainis sa mga nag-iinarte ay yung mukha nila. Hindi ko rin alam pero para bang ansarap manakit. Hindi ka na bata.

9. Nagpapa-lakas ka sa isang Tao

Mayroon kang lihim na motibo upang makuha ang gusto mo kaya’t hindi mo na rin namamalayang may naaapakan kang iba. Nagiging pabibo ka na kapag ginagawa mo na ito ng madalas kahit wala namang mas malalim na dhilan o pakinabang. Wala lang, gusto mo lang magpalakas para ikaw yung mas mapansin at mas may pagkakataong magpasikat upang mas umangat.

703ce4c06a9e78dda5dab7ae484cc0c2--filipino-humor-hugot-quotes

10. Naka-focus ang Kwento mo sa mga Bagay na Magaganda

Kapag nagkwento ka, walang pangit. Puro achievements, magagandang ala-ala, mga masasayang bakasyon, mga mamahaling kagamitan, etc. Walang pangit. Puro good stuff lang dahil natatakot ka na kapag nalaman nila ang madilim na parte ng buhay mo ay lalayuan ka na nila at hindi mo na makukuha yung daily dossage mo ng pansin na binibigay nila sayo. Alam mo kung bakit? Kasi Pabibo ka.

Kaya’t wag kang pabibo. Sinasabi ko sa’yo ito hindi dahil pabibo ako, kundi  dahil nag-aalala ako sa ginagawa mo. Hanggat maaga pa ay bawasan mo ang pagiging atribida. Wag kang kang Jollibee.

 

By SnowWhite
0snowwhite

Advertisements

One thought on “Sampung Senyales na isa kang Taong Pa-BIBO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s