GOOD TRIP · LAUGH TRIP · ROAD TRIP · TODAY'S TRIP

Toxic ka ba sa Social Media?

toxic

Ba’t ang toxic mo?

Bawat isa sa atin ay may pinagdadaanan sa buhay. At ang isa sa mga paraan upang maibsan o kahit mabawasan lamang ito ay sa pamamagitan ng pagsabi nito sa ibang tao. Sa ganoong paraan ay gumagaan ang ating pakiramdam at katamtaman lamang upang tayo’y bumalik muli sa laban. Yoong iba naman ay idinadaan sa social media gaya ng Facebook at Twitter. Nagpo-post tayo ng mga saloobin na tila nobela sa haba at minsan hindi pa natin napipigilang samahan ng masasamang pananalita.

Alam mo ba’ng Toxic ka?

Ang pagbansag ng “Toxic” sa isang tao ay hindi nangangahulugang exposed ang taong iyon sa isang nakamamatay na kemikal. Hindi rin ito nangangahulugang sexy na pangangatawan na ginagamit niya sa “makating” pamamaraan. Kapag tinawag ka’ng toxic ng isang tao, ibig-sabihin ay malimit kang mag-komentaryo o magpahayag ng mga negatibong bagay tungkol sa isang topic (Tao, Grupo, Bagay, Lugar, Aktibidad, Kaganapan, atbp.) na siya namang nasasaksihan ng publiko na sa sobrang negatibo ay nakakaapekto na sa mga tao sa paligid mo.

Sa paano nga ba natin nasasabing toxic na ang isang tao partikular sa social media? Madali ito maintindihan at maaari mong gamitin ang sarili mo bilang halimbawa. Ito ang mga senyales.

Toxic ka sa Social Media kapag:

  1. karamihan sa posts mo ay tungkol sa mga negatibong bagay.
  2. ipinapakita mo sa publiko na gusto mo nang sumuko o mamatay.
  3. hindi ka tumatanggap ng komentong taliwas sa pinaniniwalaan mo.
  4. minura mo na ang lahat.
  5. nahihila mo na ang ibang tao pababa.
  6. mabilis kang mainis o mairita sa mga simple o kadalasa’y masasayang bagay.
  7. naaapektuhan na ang ibang tao sa pagiging negatibo mo.
  8. nagiging maselan ka o mapagmataas at minamata mo na ang lahat.
  9. ikaw na ang nagsisimula ng away.
  10. sa sobrang negatibo mo, nilalayuan ka na dahil ayaw nilang mahawa sa’yo.

Kung toxic ka at gusto mo itong mawala pagkatao mo, simulan mo ito sa pamamagitan ng pag-tanggap ng lahat. Kapag natutunan mo ang Acceptance, unti-unti mo nang mababago ang sarili mo. Ngunit kung hindi mo matanggap na toxic ka at bobombahin mo na ako sa comment box, uunahan na kita…

Wag kang toxic.

 

By Rapunzel
0rapunzel

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s