EXPERIENCES · LIFE IN THE PHILIPPINES · LIFESTYLE · NEWS · RELATIONSHIP · TAGALOG · THOUGHTS AND OPINIONS

Unfair nga naman

Teka lang! Bago mo ko awayin sa comments section, gusto kong sabihin sa’yo na babae din ako at ang blog na ito ay hango lamang sa sa isang taong nakapanayam ko sa isang makabuluhan at madugong talakayan matapos ang pang-apat na bote.

vi-sao-chong-khong-muon-ve-nha2

Heart broken ang siya at naisipang gawin kaming toilet matapos silang maghiwalay ng kanyang sintang-mahal. Sinalo namin ang sama ng loob niya buong gabi. Alam naman niyang kasalanan niya at siya rin daw ang unang umamin sa girlfriend niya na mayroon siyang iba dahil nakasanayan na niyang magsabi ng totoo.

Halos lahat ng lalakeng kaibigan namin nung oras na iyon ay nagsabing isa siyang magiting na boyfriend dahil malakas ang loob niya na aminin yon. Samantalang lahat naman ng kababaihan (kasama ako) ay nag-suggest na bakit hindi pa siya magbigti sa ilalim ng katabi naming puno ng mangga? Na-triggered ang mga lola nyo. Bakit daw may mga lalaking naghahanap parin ng iba kahit may girlfriend na. At dito na, mga kaibigan, naging makabuluhan ang diskusyunan. Ipinaliwanag na ni heart-broken-man na itatago natin sa tawag na “kuya sawi” kung bakit siya naghanap ng iba:

Sa anim na taon ng pagiging magkaibigan namin ni Kuya Sawi, nakita ko kung gaano niya kamahal ang girlfriend nyang tatawagin nating “Ate Bato” dahil matapos mo mabasa ang paliwanag niya, baka maisip mong kulang pa yang katawagang iyan para sa kanya. “Unfair” yan ang naging ugat nga kanyag paliwanag.

“Ang unfair lang kasi bago kami nagsimula sa relationship na’to, nangako kami sa isa’t-sa na gagawin ang lahat para mapasaya ang bawat isa.” – Naging mabuti siyang boyfriend ngunit si Ate Bato walang ginawa kundi magpa-cute upang mapalampas ni Kuya Sawi ang pagiging parasyte ni Ate Bato. Lugi nga naman.

“Noong sinabi niyang tigilan ko ang lahat ng luho ko; Paninigarilyo, Dota, monthly beer session with friends, gala, at pagbili ng mga kailangan ko online, ginawa ko. Pero noong pinangako niya na mageexcercise siya para masuot yung binili kong dress para sa kanya tatlong taon na pero wala parin.” – Di madaling bitawan ang mga bagay na nagtatanggal ng stress mo. Sana nga naman hindi nalang ipinangakong magpapa-payat diba?

“Marami siyang gusto sa buhay ngunit nagrereklamo siya pag nahihirapan siyang abutin yon.” – Naiintindihan ko ang isang ito. Usong-uso kasi ngayon sa mga nagtatrabaho ang magreklamo sa Facebook tungkol sa hirap ng trabaho. Pero pag wala namang trabaho, nagrereklamo parin dahil walang pang gastos at di makahanap ng kumpanyang mapagta-trabahuan.

popular-girl-002-256

“Kapag gusto niyang makibag-break sakin, nagsosorry ako at pilit na inaayos ang lahat. Pero pag ako na ang napupuno at minsan hindi sinasadyang nababanggit na ayoko na, mabilis niyang ina-accept na maghiwalay na kami.” – Ang galing galing nating mga girls diba? Alam kasi natin na masasaktan siya pag sumang-ayon tayo kagad kasi akala natin nanakot siya. Di natin alam na lalo lang natin dinadagdagan ang sakit sa puso niya. Bakit di natin subukas mag-sorry din?

I hate to admit pero may point si Kuya Sawi. Pero mali yung ginawa niya na humanap ng iba dahil kung pagod na siya, sana tinapos nalang muna niya yung current relationship niya kaysa pagsabayin and dalawang babae. Ngunit kung iisipn, a promise is not meant to be broken. Dahil unfair nga naman.

Advertisements

3 thoughts on “Unfair nga naman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s