GOOD TRIP · ROAD TRIP · TODAY'S TRIP

Operation Yellow Ribbon

Simula nang mahalal ang pangulo sa kanyang posisyon, marami nang naging hakbang ang kampo ng mga Aquino para pabagsakin ang kanyang administrasyon. Kaya naman ngayon, kukuha tayo ng sampung taktika na talaga namang masasabi mong TATAK DILAW.

Tila nagiging obvious at desperado ang mga hakbang ng kampo ng mga Aquino at kanilang mga kakampi laban sa kasalukuyang administrasyon. Bagamat kapansin-pansin rin ang pagbabalewala ng pangulo sa kabila ng paninira ng kayang mga katunggali, tiwala siya na ang taong bayan ang sa huli’y lalaban para sa katotohanan.

Ika nga e nagiging “Sambayanang Pilipino laban sa mga PULPOL-itiko”

Kaya’t heto ang sampu sa mga Yellow Tactics na maaring di mo pa nasaksihan:

  1. Plan B – matapos ang matagumpay (nga ba?) na panalo ng Partido Liberal para sa pagka-Vice President na posisyon, marami na kaagad ang kumunot-noo kay Vice President Leni Robredo. Noong una, tahimik at tila “neutral” si Leni, ngunit matapos ang ilang buwan, sinimulan na rin niya ang paglabas ng kanyang tunay na kulay.
  2.  Blame it to the president – “so ano, kasalanan ko nanaman?” Noong nakaraang termino, natatawa ako kung paano isinisisi ng lahat sa pangulo ang problema ng bansa. Tumirik ang MRT, kasalanan ni PNoy; SAF 44, kasalanan ni PNoy; Bumara ang Toilet, kasalanan ni PNoy. Marahil naisip ng kanyang kampo, “kung ginawa nila ito kay PNoy, baka sakaling gumana rin kay Du30.”
  3. EJK – At eto nga. Sinimulan nga nilang isisi sa kasalukuyang pangulo ang lahat ng Extra-Judicial Killings sa bansa. Ginamit nila ang sinabi ng pangulo na papatayin niya ang lahat ng adik sa daan.
  4. De Lima Strategy – Maganda ang ipinakita ni De Lima sa kanyang TV Electoral Campaign, ikukulong niya raw ang mga abuso sa kapangyarian. Tamang-tama para sa hakbang na ito. Usigin ang pangulo at ungkatin ang kanyang mga nakaraan.
  5. DDSatbp – Davao Death Squad at iba pa. Ungkatin ang mga issues ng pangulo para magalit at matakot ang taong bayan. Mas effective at kapanipaniwala kapag kasalukuyang nagaganap ang EJK at Oplan Tokhang.
  6. Hired Witnesses – Kabilang ang mga witnesses na madalas mong naririnig sa balita gaya nila SPO3 Lascañas and sikat na sikat na si Matobato. Medyo narindi na rin ang mga Senador sa paulit-ulit na kwentong hatid ng mga False Witnesses na ito kaya’t sa huli, bumaliktad na ang sitwasyon at si De Lima naman ang inusig at napatunayang may sala at ikinulong.
  7. Bias Media Strategy – Maraming beses nang tinitira ng bias media ang pangulo. Mga kilalang Philippine tabloids, news channels, at maging ang international media ang walang sawang sumisira sa matibay na paniniwala ng mga Pilipino sa Presidente ng bansa. Ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil ngayon, pati mga Pilipino sa ibang bansa mas lalo lumakas ang paniniwala kay Pangulong Duterte.
  8. Trillanes for Distraction – Si Senator Trillanes ang isa sa mga maiingay na kakampi ni De Lima ngunit ngayong nakakulong na si De Lima, naipasa na ang bola kay Trillanes na walang sawang humahanap ng dahilan upang mapatalsik ang pangulo. Ang nakakatawa lang, the more na naghahain siya ng reklamo laban sa pangulo, ay the more din na lumalabas ang kanyang kapalpakan na nagpapatunay na siya ay under ng mga Dilaw.
  9. Social Media Strategy – Epektibo sana ang estratehiyang ito upang magpakalat ng maling balita at magpalakas ang Partidong Liberal sa mga tao ngunit mukhang kahit sa Social Media ay mas marami parin ang taga-suporta ng Pangulo. Mas pinalakas pa ng mga kilalang tagapag-balita ng bansa na naghahatid ng totoong balita tungkol sa mga nangyayari.
  10. VP move – Pinaka-latest. Nauubusan na kasi ng maita-topic si Senator Trillanes. Halos marindi na ang taong bayan sa pagiingay ni Trillanes kaya’t this time, si VP Leni naman na tila humihingi ng tulong sa ibang bansa upang mapatalsik sa pwesto ang pangulo. Sa halip, mas nagalit ang sambayanang Pilipino kay VP Leni sa kaniyang hakbang at nagsamasama upang mapatalsik siya sa pwesto. At ang Pangulo? Naging gentleman parin at denepensahan ang kanyang Vice-President. Sampal ulit ito sa kampo ng Partidong Liberal.

Nakakatawa na lang tignan kung gaano ka-desperado nang kanilang kampo Liberal na pabagsakin ang administrasyong Duterte. Mga totoong sakim sa kapangyarihan. Marahil alam nila ang kasalukuyang administrasyon ang makakapagpabagsak sa kanila kaya’t gayon nalamang ang kanilang pagpupursigi na matalo ito.

Nakakatuwa rin na sa likod ng mga ito ay nananatili paring matatag ang pangulo at hindi pinapansin ang mga estratihiyang ito ng kanyang mga katunggali. Sa huli, kapwa Pilipino, tanging ikaw ang makakapag-sabi kung sino ang dapat paniwalaan at suportahan.

By “Cinderella”

3.jpg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s