GOOD TRIP · LAUGH TRIP · ROAD TRIP · TODAY'S TRIP

Napansin mo ba yung sa Commercial?

Matagal ka nang nanunuod ng TV commerials, napansin mo rin ba ang mga napansin ko?

wordpress

Ang TV Ads o Commercials ay ang nagsisilbing “time-out” sa mga pinapanuod mo sa telebisyon. Madalas lalabas ito kung kelan mababaril na yung bida or malapit na sa kissing scene. estratehiya ito ng mga TV networks upang masiguradong aantabayanan mo yung susunod na eksena. Ito rin ang nagbibigay senyales na dapat mo nang silipin yung niluluto mo.

Hindi ko ugaling manuod ng TV pero pag nasa harap ko na, hindi yung TV shows ang pinapanuod ko, kundi yung mga commercials. Sa sobrang daming gimmick ng mga TV ads ngayon, para bang lahat ng eksena may easter egg na. At yun ang hinahanap ko sa mga commercials. Yung mga bagay na hindi mo basta-basta napapansin.

untitled

Alam naman natin na kapag shampoo commercials yung mga bidang babae laging naka-soft straighter hair diba? ganon din naman sa sabon panlaba kaya’t naka puti parati yung taong magiging madumi ang damit. Pero napansin mo ba na ano man ang produktong ipinapakita nila, ay gayo din ang kulay ng suot nila? Kaya’t pag ‘Palmolive’ ang shampoopink ang suot ng mga dalaga. ganon din ang dahilan kumbakit nakasuot ng kulay berde si Kris Aquino sa produktong ‘Ariel’ laundry detergent powder.

Tayong mga Pilipino mahilig sa mga inuming gaya ng beer at rhum. Marami na rin ang commercial ng mga ganitong produkto natin. Pero may naaalala ka bang may artistang ipinakita na uminom ng alin man sa mga ito naka-bote man o baso? Itinataas lang nila sabay cheers! pero walang umiinom. Kung may iinom man, hindi ipakikitang didikit ang bibig nila sa nasabing inumin.

Naabutan mo ba yung mga commercial ng sigarilyo kagaya ng ‘Winston’ at ‘Hope’? Puro kasiyahan at karangyaan ang ipinakita ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagsindi ng sigarilyo. Marahil ipinagbabawal yun dahil maaaring makita ito ng mga bata. ganon din naman yung pag-inom ng mga alcoholic beverages.

E yung mga formula na madalas makita sa mga beauty products’  at ibang pang-bahay na hindi mo mahahanap sa  Periodic Table of Elements? Kagaya ng Zeroil” ng ‘Master Facial Cleanser’ at “Quick Dry formula” ng ‘Rejoice’. Meron pa yung “Motion Sense Technology” ng ‘Rexona’ at yung napaka-tinding “Presko Power” ng ‘Calla Detergent Powder’. Ang totoo naman kasi, yung dating formula nila ang ginagamit parin nila. Pinapalitan lang ng name at ine-enhance ng kaunti to improve the strength.

Siguradong may mga napansin ka rin sa tinagal-tagal mong nanunuod ng mga TV Commercials na nagpahagikhik sa’yo ng palihim. Pwede mo iyon i-share sa’kin para lahat tayo masaya habang nagaantay ng susunod na eksena sa pinapanuod nating telenovela.

Yung sinaing mo nasusunog na.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s