Ang mga “daw” sa lamay

Akala ko pag pumanaw na ang isang tao, tapos na ang lahat. Yoon pala posible pa siyang bumalik pag ibinulsa mo yung biskwit sa lamay niya.

Hindi ko lang alam sa ibang relihiyon pero ang kristyanismong pag-panaw ng aking paboritong tita ay nagmistulang family reunion maaaring dahil nakilala siya ng lahat bilang masayahin, maingay, at aktibong librarian. Kaya naman maaaring ito rin ang dahilan kung bakit hanggang sa kabilang buhay ay naging educational parin ang mga huling sandali ng kaniyang labi sa bahay.

2

Ang mga pilipino ay likas na ma-pamahiin. Marami tayong pinaniniwalaan at sinusunod na rules sa iba’t ibang seremonya o pagdidiwang at isa na rito ang maimpluwensyang paniniwala natin sa mga taong pumanaw na.

Malimit na inaabot ng pitong araw ang pananatili ng labi ng ating yumaong kamag-anak sa loob ng funeral house o sa bahay. Madalas din itong ma-extend upang mabigyan pa ng pagkakataong makahabol ang iba pa nating mga kamag-anak para maka-sulyap sa huling pagkakataon.

Hindi ako naniniwala sa mga superstitions pero sa dami ng mga kamag-anak kong may edad na, napilitan akong matutunan at sundin ang bawat isa araw-araw. One superstition a day ika nga ng pinsan ko. Oo nailista ko; Ang mga Pamahiin sa mga Lamay.

  1. Bawal magwalis – Nakasanayan ko nang naglilinis ng bahay ngunit dahil dito, hindi ko mawalisan yung mga pinagbalatan ng dragon Seed ng mga bisita. Itinataboy mo raw ang kaluluwa ng namatay kasama ng kanyang mga mahal sa buhay.
  2. Bawal maligo sa bahay na may lamay – Akala ko noong una, bawal talaga maligo. Pwede naman pala, wag lang sa bahay kung nasaan ang lamay. Kamalasan daw ang hatid non. Ang alam ko lang necessity ang pag ligo.
  3. Bawal din magsuklay ng buhok – Malas din daw yun. Matakot na ang mga makikiramay sa itsura mo, wag ka lang malasin.
  4. Huwag mag-take home ng pagkain – Magagalit daw ang espiritu ng namatay at susundan ka. Sa mga bisita, nakakatakot yun. Sa mga namatayan, baka ikatuwa pa nila ang pagpaparamdam ng namatay.
  5. Bawal mawalan ng bantay ang namatay – may pahabol pa ‘to: Dapat daw malapit na kaanak ng namatay ang magbabantay (asawa, anak, magulang). Nung nagbantay ako, pinagalitan yung mga pinsan ko. Dapat daw sila ang nagbabantay hindi ako. Babangon daw yung namatay. Resident Evil anyone?
  6. Bawal matulog ang bantay – Masyadong joke time yung dahilan na sinabi sakin kaya hindi ko nalang ilalagay.

    …basta magiging saging daw. Ewan.

  7. May color-coding – Bawal mag pula, berde, o pink. Kasiyahan daw ang sinisimbulo ng mga kulay na ito. Hindi ko alam bakit hindi nasama ang dilaw e alam naman nating kasiyahan talaga ang sinisimbulo ng kulay na yon.
  8. Bawal mag-thank you – Obvious naman na hindi maganda ang dating non sa namatayan. Pero wala naman kasi ibang pwedeng i-reply, diba?
  9. Bawal bumalik at lumingon ang mga kaanak na nakalabas na ng bahay sa araw ng libing – Para daw wala nang iba pang susunod (mamamatay) sa pamilya. Alam naman nating pag oras mo na ay oras mo na, pero pag sinabi ng mga nakakatandang wag babalik at lilingon, sumunod ka nalang.
  10. Mag pagpag at wag dumeretso pauwi ang mga nakiramay – para daw hindi sumunod at mailigaw yung kaluluwa. Ewan ko lang dito pero yung tita ko kasi natural na gala yun. Sabi nga ng pinsan ko, baka mauna pa yun sa bahay pag uwi namin.
  11. Bawal iuwi sa bahay yung mga pagkain – Malas daw.
  12. Ilagay ang black pin sa ibabaw ng ataul ng namatay – Ginagawa ito upang lumaya daw at wag nang kumabit sa mundong ito ang kaluluwa ng namatay.

Ito naman yung mga honorable mentions:

  1. Sunugin ang mga baraha at iba pang mga ginamit sa pasugalan ng lamay – hindi naman kami nag-sugal, ayaw kasi nung tita ko.
  2. Pakawalan ang mga puting lobo sa oras ng libing – late na namin nalaman to kaya di na nakabili ng lobo.
  3. Dapat may rosaryo sa kamay ang namatay – parang wala naman ako napansin.

Gaya nga ng sinabi ko, hindi lahat ng iyan ay nasunod dahil sa relihiyon ng pumanaw kong tita.

Hindi kailanman naging katuwaan ang pagkamatay ng isang tao. Ngunit, ikaw man yung kaluluwa ay hindi ka rin matutuwa kung walang tigil sa pag-iyak yung mga iniwan mo. Ang mahalaga ay tanggapin natin sa ating sarili ang mga pangyayari. Wala na ngang problema ang mga taong yumao na. Hayaan mo na siyang magpahinga, wag mo na siyang hilahin pabalik sa’yo.

Advertisements

3 thoughts on “Ang mga “daw” sa lamay”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s