ROAD TRIP

Senyales na kinain ka na ng sistema

Nakatanggap ka na ba ng komentong “Kinain ka na ng sistema, bes”? Kung oo, wag ka matuwa dahil bukod sa senyales ito na lalayuan ka na ng kaibigan mo, pinaparating pa niya sa lahat ang pagiging mang-mang mo.

pokemon
Ano nga ba ang ibig sabihin pag sinasabing “nilamon ka na ng sistema”? Oo, nilamon na nang tuluyan. Past tense. Sila yung mga taong hindi lubusang alam ang nangyayari sa kasalukuyan ngunit nakikisali sa kadahilanang ito ay uso. Madaling malaman ang mga taong ganito dahil madalas napapatunayan ang pagiging ganito ng isang tao base sa pino-post nila sa social media sites gaya ng facebook at twitter. Kapansin-pansin ding binabase nila ang kaalaman nila sa isang trending base lamang sa maliit na empormasyong napadaan lang sa newsfeed nila.

Wag ka mag-alala, heto ang ilang mga senyales na tuluyan ka na ngang nilamon ng sistema:

1. Sheep mentality. Ito ang pinaka-obvious na senyales. Dito nagsisimula ang lahat. Isipin mo ang sarili mong kasama ang grupo ng mga taong hindi mo kilala at sabay sabay silang nagtaas ng kaliwang kamay, itatas mo rin ba ang kaliwang kamay mo?

2. Hindi ka nahuhuli sa uso. Ginagawa mo yung mga trending kahit di mo lubusang alam ang pinanggalingan o dahil nito. Kung nag-vape ka dahil uso at palusot mo lang na dahil mas healthy ito kaysa totoong sigarilyo, sino ang niloko mo? At kung ito man ang totoo mong dahilan, paki-iwasan nalang ibuga sa mukha ng tao. Hindi ho nakakatuwa.

3. Hindi mo alam yung pinapasok mo.Sige ka lang ng sige. Dahil socially accepted akala mo maganda o tama na? Hindi mo alam yung pinagkaiba ng tama at mabuti. Hindi mo alam pinaglalaban mo. Para kang si De Lima, me-ma lang.

4. Hindi mo nagawang mag-gwiyomi dati at pinagsisihan mong hindi mo yun. Yung usong-usong gwiyomi video na nag-pulbo ka pa pero hindi natuloy kasi pumasok sa kwarto yung ate mo at nahiya ka.

5. Hindi mo man nagawa ang gwiyomi, sinigurado nagawa mo na ang mag snap chat sa pagkakataong ito. lahat, ultimo aso nyong nananahimik sa tabi nilagyan mo ng caption.

6. Kasama sa budget mo ang Starbucks. Dahil daw feeling sosyal talaga pag may hawak kang venti sized mocha frappe. Binanggit mo ba ang nasabing produkto like how their barista say it upon getting your order? choz!

7. Araw-araw kang nabibiktima ni Scroll-down. Madalas din ito tawaging “nilalamon ka na ng scroll-down.” Lalo na kung kelan kailangan mo na talagang magtrabaho at saka mo naisipang sumilip ng”bahagya” sa Facebook mo…and scroll down, scroll down, scroll down…(repeat forever)

8. Speaking of forever, sino ba namang hindi nakaka-alam ng sikat na #WalangForever? Hanggat wala namang naire-report na namamatay sa sikat na hash-tag na ito ay hindi ito matatawag na delikado. Ang pangit lang, yung malakas ka mag-sabi nito pero wala pang 1 week ang break-up nyo ni bae, e may bago ka nanaman.

9. Yung iba naman, suporter ng #WalangForever pero may kasintahan. Kung tinatanggap mo ang mga katagang ito in a literal way gaya ng kung paano tinatranslate ng Google ang salitang “Kinain ng Sistema”, wala namang problema doon. Pero huwag nalang banggitin upang hindi mag-dulot ng misconceptions. Mapapa-away ka pa sa social media.

10. Buy now, pulubi later. Malakas gumastos hanggat may pera. I-treat ang sarili hanggat may pagkakataon. Bumili hanggat kaya. Mga ganitong pag iisip ang dahilan kaya’t madalas nauuwi sa…

11. Isa ka sa mga gumagapang 5 days before payday. Walang pera at gagawin ang lahat upang magkaroon ng pamasahe. May emergency escape flight kapag nagka-yayaan na sa Jollibee.

12. Naniniwala kang nagtrabaho ka ng mabuti nung weekdays upang mabuhay ng weekends. Friday na, inuman na! -sa kadahilanang ginagawa ito ng karamihan.

13. Naaalala mo ang isang produkto base sa artistang commercial model nito. Naalala ko yung lola kong nag-utos saakin bumili ng kape. Hindi niya maalala yung brand pero naalala nyang si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang umiinom nito. Note: Nung sinabi kong “Nescafe creamy white?” hindi daw yun yon.

14. Naniwala kang ang demokrasyang dilaw ay makatao talaga. Oo, kahit hinain na sa harapan mo at isusubo mo nalang ng mga taong totoong nagbuwis ng buhay para lang masabi ang totoo, ipinikit mo parin ang mga mata mo kasi akala mo pag sinabi ng media na 3 ang sagot ng pangulo sa tanong na 1 + 1, paniwalang-paniwala ka naman.

15. Nung sinabi ni ex-President Noynoy na dapat tinutupad ng isang presidente ang mga salitang binibitawan niya, nakalimutan mong binanggit nyang magpapasagasa silang dalawa ni abaya sa tren.

16. Tiwalang tiwala ka sa mga nababalitaan mo sa Facebook. Baka nakakalimutan mong halos kalahating porsiyento sa internet ay kalokohan.

17. Mayroong mga kantang ‘closer’ by Ching Smokers, ‘Nobody’s Better’ by Fetty Wap, ‘Trumpets’ at ‘Running Man’ sa playlist mo. At nagagalit o natatawa ka sakin kasi akala mo nagkamali ako sa pagsulat ng Ching na sa halip ay Chain Smokers. Obvious ka, teh.

18.  Mahilig ka mag sabi ng “dapat” kahit wala namang basis. Kahit wala ka sa katayuan para sabihin yan. Gaya ng kung paano ka mag-comment sa status ng kaibigan mong broken-hearted, wagas pero nganga ka rin nman pag nangyari sayo.

19. Gaya ni De Lima, me-ma ka din. (me-masabi lang). Yoon bang talagang wala kang alam sa mga pinag-uusapan pero kating-kati ka na talaga mag-comment. Ayan, mali na nga grammar mo, anlayo pa ng sagot mo sa pinaguusapan.

20. Pokemon-Go.

Siguro naman hindi yan lahat nasa iyo. Ngayong alam mo na, wag mo nang subukang gawin yan lahat. Wag kang maging mang-mang.

Advertisements

2 thoughts on “Senyales na kinain ka na ng sistema

  1. Minsa sa totoo lang naging ganto na ko eh pero hindi naman ako nilayuan ng mga kaibagan ko bagkos ay pinag tawanan pa nila ako. At sobra akong natawa kase napag daanan ko talaga yung iba dito. At sobra talaga akong natatawa kase kahit mga kaibagan ko ay ganto din.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s