Tips upang Magising Kaagad

tips upang magising kaagad

Minsan mali ang sisihin mo ang trabaho mo na maging mahirap kaya ka na-stress ngayong araw. Minsan depende iyon sa byahe mo, sa laman ng tiyan mo, at maging sa mga taong nakakasalubong mo sa daan, at walang kinalaman ang trabaho mo doon dahil hindi ka naman mag-apply sa trabahong umpisa palang ay hindi mo kayang gawin.

Kung ganoon, ano ang totong problema?

Sa maniwala ka’t sa hindi, may kinalaman dito ang maliliit na bagay na akala mo’y inosente sa pagsisimula ng araw mo. Ang lahat ng iyon ay matatagpuan sa kwarto mo:

1360352-bigthumbnail

Heto ang listahan ng mga bagay na hindi kapansin-pansin ngunit  malaki ang kinalaman sa magulo at nakaka-badtrip mo’ng araw at kung paano ito babaguhin upang magising kaagad next time. Dahil pag bumangon ka ng maaga, susundan na rin ito ng magandang araw. Isipin mo nalang ang lahat ng maaari mong gawin pag nagising ka ng maaga:

  1. Ang ringtone ng alarm clock mo

Oo, alam nating malaki ang kasalanan ng hindi mo pagtulog ng maaga at ‘snooze’ button ng cellphone mo, ngunit maari mo’ng ayusin ito sa pamamagitan ng pag-palit ng ringtone. Kung mayroong ringtone set-up ang alarm clock mo, maari kang gumamit ng musikang nakaka-gising ng diwa sa tuwing nariring mo. Subukan mo yung ‘She looks so perfect’ na kanta ng bandang ‘5 Seconds Of Summer’ –yan and kasalukuyang ringtone ko.

a829fda324ee4aba18e328fa92aff9fb

  1. Lokasyon ng Alarm clock mo

Istilo ito ng ama ko ito at hanggang ngayon ay ginagamit ko parin. Madalas na naka-puwesto ang alarm clock natin sa tabi ng kama. Ngunit maaari mo itong ilagay sa bandang paanan o saan mang malayo sa kama mo. Sa istilong ito, ano mang maingay o nakakairitang ringtone ay maaari basta’t garantisadong magigising ka. Wala kang magagawa kundi bumangon at patayin ang alarm clock mong nasa kabilang dulo pa ng kwarto mo.

  1. Ang tsinelas mo

Kamakailan lang ay naimbento ang tsinelas na tila may tusok-tusok sa ibabaw. Tinatawag itong “Therapeutic Sleepers” at maaari nang mabili sa murang halaga. Subukan mong gumamit nito sa umaga sa halip na traditional comfy sleepers mo. Napatunayang ang pag-diin sa mga nerve-endings natin sa talampakan ay nakaka-apekto sa performance ng ating katawan. Napapasigla at napapalakas nito ang ating resistensya laban sa sakit. Plus medyo masakit sa paa dahilan upang magising ka lalo. Kaya’t ano pang hinihintay mo, bili na!

68ff2b05045ae6ae6fc95db807908220

  1. Ang dilim at liwanag ng silid mo

Karamihan sa atin ay mas nakaka-tulog sa madilim na silid dahil nakakatulong ang dilim upang ma-relax ang ating isipan, ngunit nagiging dahilan na rin ito ng pagbangon mo ng late sa umaga dahil ang pag-dilat ng mata sa madilim na lugar mula sa mahimbing na pagtulog ay nagbibigay ng ideya sa utak na ikaw ay nakapikit parin. Subukan mong ipuwesto ang cellphone mo sa lugar na maaari itong iharap sa iyo nang sa oras na ito ay mag­-alarm, iimilaw ito ng napaka-liwanag.

  1. Ang Electric fan mo

Sa init ng panahon ngayon, mas gugustuhin mo pang magka-aircon kesa magka-girlfriend o boyfriend. Maniwala ka, sa umpisa lang ng gabi komportable ang yakap ng taong mahal mo, dahil maya-maya lang ay yakap na ng bintilador ang hahanapin mo. At ang tutok ng preskong hangin ang isa sa mga pangunahing dahilan ng paghila ng kama sa katawan mo. Kaya’t sa oras na magising ka sa umaga, sanayin ang sarili na patayin ang bintilador bago hanapin ang nawawalang alarm clock na hindi maalala kung saan ipinatong kagabi.

 

Nawa’y makatulong ang mga tips na ito sa pang araw-araw mong pag-gising. Ano man an gating pamamaraang ginagamit natin upang magising ng maaga ay hindi tatalab kung wala tayong disiplina. Disiplina at inspirasyon ang totoong nagbibigay sa atin ng lakas upang bumangon araw-araw. Siyempre, mas babangon ka kung may nakahandang kape. Tandaan lamang na huwag sisihin ang trabaho sa magulo mong araw upang hindi ito mag-ugat sa sunod-sunod na stress.

Nahanap mo na ba ang nawawala mo’ng alarm clock? Magigising na ang kapit-bahay mo.

good morning cat.jpg

Advertisements

2 thoughts on “Tips upang Magising Kaagad”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s