Compiltation ng mga Desperadong Galaw at Hindi Napag-Isipang Pananalita ni Mar Roxas

Eleksyon nanaman! Panahon nanaman ng botohan, panganampanya, pag-hingi ng suporta, pagpapa-lakas sa taong bayan, pag vote buers I.D. Voters I.D.(Dahil hindi ka makaka-boto pag wala ka nito). Sa Marso magaganap ang paghahalal ng pinaka-mataas na posisyon, ang pagkapangulo. Ang bawa’t kandidato ay ipinapakita at pinapatunayan sa publiko na sila ang karapat-dapat…maliban sa isa, Si Mar Roxas. Para sakin kasi, iba ang ingay na ginagawa ni Mar Roxas.mar roxas

Sino ba si Mar Roxas? Si Mar Roxas lang naman ang binansagang “Dakilang epal” simula  nitong mga nakaraang buwan lamang ayon sa mga netizens. Bakit? Dahil sa angking galing ni Mar Roxas na sumulpot sa gitna ng gulo o gumawa ng malaking issue dahil sa kanyang hindi napag-iisipang pananalita. Isa pa’ng nakakabilib ay ang walang humpay na pag-sunod sa kanya ng mga photographers upang maipakita sa lahat na nandoon siya. Parang media sa bilis, bigla nalang siyang makakarating sa gitna ng gulo at gaya ng sabi ng lahat, “makiki-epal lang naman.”

Sa sobrang dami ng nagawa niyang pag-epal (or so the netizens would say), nakabuo ako ng listahan ng most remarkably desperate at mga hindi napag-isipang moves ng pambansang epal:

mar

  1. Mar’s political ad of 2009

Oo, yaan nga yung title. Mahahanap mo pa yan sa Youtube. Posibleng yaan ang pinaka-sikat na ad ni Mar Roxas, kung saan ipanapakita si Mar na nakasakay sa isang pedicab na pinapatakbo ng isang payat na bata. Sa video na yan ay may napakaraming mali pero i-point out na natin yung pinaka obvious. Kung tutuusin, pwede naman sanang siya ang magmaneho noong pedicab kaysa hayaan ang batang paandarin ang pedicab para sa kanyang (made-for-tv) stroll.

  1. “Paano naging kasalanan ng gobyerno yun?”

“Kung nagpasok ka ng contraband sa airport, paano naging problema ng goberno yun?” sabi ni Mar Roxas. Although ipinaliwanag niya na ang ibig niyang sabihin ay hindi dapat sisihin ng lahat ang gobyerno kaagad sa insedenteng “laglag bala” kundi ang mga taong nasa likod ng mga anumalyang ito. Kung hindi ko ipinaliwanag, ano ba ang maiisip mo pag sinabi niya yan sa harapan mo?

ala thor

  1. Ala-Thor

Mayroon siyang picture na may hawak siyang martilyo at nag-aayos ng silyang ginagamit sa school. Mga armchair na kahoy. Kapansin-pansin rin na hindi siya marunong humawak ng martilyo. O pwede rin na sadyang galit lang sa kanya ang lahat kaya’t kahit sa pag hawak ng simpleng martilyo ay napupuna siya.

  1. “Kumain sa baso at nag-tubig sa pinggan”

Isang litrato ni Mar na in-edit ngunit totoo yung sinandok niya yung kanin at inilagay sa mug. Yung platong naka-sahod sa gripo, peke po yun. Pero sumikat ito ng todo at umani ng maraming pang-aalaska. Tila bulag ang mga netizens sa katotohanang edited yung kalahati ng picture. Marami talagang galit kay Mar.

  1. Traffic enforcer

Ito marahil ang dahilan kung bakit natawag siyang dakilang epal. Naungkat ang video niyang noon ay maganda sa paningin ng lahat. Naging traffic enforcer siya upang tulungan ang mga motoristang na-stuck sa Commonwealth Avenue noong huling SONA ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kagaya ng 2009 Ad niya, mahahanap mo pa ito sa Youtube. Kitang-kitang basing-basa siya sa ulan ngunit ngayon maiisip mo, nagpapa-lakas lang pala siya sa mga tao.

  1. “You are a Romualdez and the president is an Aquino”

Kung ako si Tacloban Mayor Romualdez, malamang umiyak din ako matapos ko marinig ‘to mula sa kanya. Issue ito noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Tacloban. Binanggit ito ni Mar na parang walang karapatan ang sinuman na tumaliwas o lumapit sa pangulo upang humingi ng tulong dahil ikaw ay “ikaw lang” at siya ay isang Aquino. Kailan pa naging batayan ang apelido upang makatulong? Kung ganon wala na rin akong pakelam sa inyo, kasi maimpluwensya ang mga Mendoza. Haha! Pwede ba yun? Bawas points nanaman yan.

  1. Warehouse raid

Oo, nandoon din ang inyong linkod. At syempre nandoon din ang mga photographers niya. Kumalat din ang pictures niyang buhat-buhat ang isang sakong bigas na pinaniniwalaang kaunti ang laman. Binuhat lang daw niya ang isang ito para sa photo.

  1. He graced the cover of Esquire Magazine

Nakaupo sa kamada ng mga kahoy at naka-ngiti. Yaan ang itsura ni Mar sa harap ng Esquire Magazine para sa unang anibersaryo ng super typhoon Yolanda kahit daw hindi nabanggit sa nilalaman ng magazine ayon sa isang netizen. Sabi ng iba, wala naman daw siyang naitulong doon. Malay natin. Try mo bumili ng nasabing magazine para mapatunayan mo. sa gitna unos.jpg

Kamakailan lang din noong sumikat ang isang comics na iginuhit ng mga supporters ni Mar Roxas. Isang comics na pinamagatang ‘Sa Gitna Ng Unos’. Ayos din yung pagkaka-illustrate, pang-propesyonal (totoo). Kaya nga hindi ko maisip paano na-edit ng ibang artist yung front page e. Naging takot ang matapang na mukha ni Mar, at napatalikod niya yung mga tao na tila aatakihin at sasaktan si Mar. Napalitan din ang title na naging ‘Tikman mo ang Unos’. Sayang. Sa lahat ng campaign strategy ni Mar, ito ang pinaka da best kung hindi lang binaboy. Power of photoshop?

 Bonus:

  1. MRT Crisis

Mayroon ding issue na si Mar Roxas ang dapat na responsible sa maintenance ng Metro-manila Rail Transit o MRT. Sabi-sabi lang naman ito pero tiyak hindi ka matutuwa pag nalaman mo ang koneksyon ni Mar Roxas sa poor maintenance ng MRT.

mrt.jpg

Promise marami pang iba. Pinigilan na lang ako ni Partner.

Oo, eleksyon nanaman. Ito ang tamang pagkakataon upang pumili ng taong karapat-dapat sa mamuno n gating bansa. Marapat lamang na iboto ang taong may kakayahang iwasto ang lahat, kakayahang disiplinahin ang bawat isa, at may angking husay upang labanan ang korapsyon at krimen. Hindi sa paraang gasgas at mabulaklak na pananalita upang makamit ang totoong daang matuwid. Tandaang hindi kailan man mabibili ang karapatan mong pumili. Ito ang tanging pagkakataon mo, ka-bayan. Wag mo ito sayangin. Wala akong karapatan na pakialaman ang desisyon mo kung sino ang iboboto mo at hindi ibig-sabihin nito ay wala nang pag-asa si Mr. Palengke na makuha ang boto ko. Malay mo may gawin ulit siyang bagay na gaya ng sa comics para makuha ang panlasa ko.

“Kung alam mo’ng isa ka sa mga taong makiki-rally sa Mendiolla balang araw upang i-impeach and pangulong ikaw din naman ang bumoto, mabuti pang wag ka na’ng bumoto.” -Mr.Secret

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s