MGA SENYALES NG ISANG MAUNLAD NA BANSA

senyales.jpg

“History is written by the rich, and so the poor get blamed for everything.”

                                                                                                                -Jeffery D. Sachs, economist

Nakakita ka na ba ng isang maunlad na bansa?  Sinasabing noong kasagsagan ng diktatorya ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang Pilipinas ay nababalot ng takot ngunit ito ay maunlad at ligtas. Sinasabi rin ng aking mga kaanak na hindi na sila bumoto simula noong napatalsik at namayapa ang dating diktador. Totoo ngang nakakapangilabot ang mga araw na iyon ngunit makikita mo ang napakaraming senyales ng isang maunlad na Pilipinas. Wala nang mas titibay pa sa pruwebang nanggaling sa saksi.

  1. Noon daw ay walang pulubing lumalaboy sa kalsada.

Madalas ko itong marinig sa mga may edad na kasabay ko sa MRT tuwing umaga. “Dati noong si Marcos pa ang presidente, walang mga ganyan sa lansangan.” Sabay turo ng labi sa mga pulubi. Ngunit ang kawalan ng mga pulubi sa mga kalsada ay isang magandang senyales ng maunlad na bansa at angking kahusayan ng punong tagapamahala.

  1. Nagagamit ang pinaka-mababang halaga ng sentimo.

Naikwento sa akin na ang pamasahe noon sa mga jeep ay 5 cents o limang sentimo lamang, kumpara sa 7 pesos ngayong araw. Sa panahon ngayon, kahit maka-buo ka ng piso gamit ang dalawam-pung sentimo, hindi ito tatanggapin ng kahit anong klasesng pam-publikong sasakyan. Pero wag mo muna itatapon ang cincong butas mo dahil tinatanggap pa yan sa mga pang-kalahatang manilihan gaya ng Tindahan ni Aling Puring.

  1. Ang chain-reaction sa usapang hanap-buhay.

Isipin mo. Kung mas marami ang nagtatayo ng kumpanya sa Pilipinas mapa-dayuhan man o lokal, tataas ang pangangailangan sa mga manggagawa, magkakaroon ng kompetensya sa bawat kumpanya kaya’t tataas ang pasahod, matataasan nito ang pasahod sa ibang bansa, babaliktad ang sitwasyong mga Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kitams?

  1. Hindi nahuhuli sa teknolohiya.

Alam mo ba na ang kauna-unahang computer ay naipakita sa Pilipinas noong late 60’s, at tama ka, sa loob ito ng pamamahala ng dating Pangulong Marcos. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ng mga Pilipino ang isang instrumentong hindi pangkaraniwan ang lubusang makakapag-pabago ng kanilang pamumuhay. Ito ang tinatawag na mainframe computer na mas nagagamit upang mag-store­ ng mga datos na ipinakilala ito ng ‘IBM Philippines Inc.’

  1. Parating bago ang mga pampublikong trasnportasyon.

Kasama rin dito ang batas trapiko, kagamitan, at sistemang ginagamit sa pag-sakay kaya naman natuwa ako nung naipatupad at na-install ang beep/tap card and machines sa MRT at LRT ditto sa kamaynilaan noong 2015. Naging matagumpay ang mga unang buwan nito sa serbisyo, ngunit medyo tumatagilid ito sa mga huling araw ng taon. Maraming complains ng pagloloko ng makinang ito, marahil sa dami ng gumagamit at madalang na maintenance.

  1. Pag-hirang ng susunod na Presidente.

Isa ito sa mga tanong sa isip ko noong nararamdaman ko na ang kahirapan sa bansa: kung maganda ang pamumuno ng president, kakalanganin pa ba natin bumoto? Dahil kung ikaw ang pangulo at natupad mo ang iyong tungkulin, at kung alam ng mga tao na ligtas at nakasisiguro sila sa ilalim ng kamay mo, hahanap pa ba ng ibang pangulo ang nasasakupan mo? Kung maunlad ang bansang ito, maaaring hindi na rin natin kakaylanganin pa ang bumoto ng bagong pangulo.

  1. Walang bakod.

Oo, literal na bakod. Bakod ang naghihiwalay satin mula sa tiyak na kapahamakan. Kung may bakod, may peligro o pinoprotektahan. Anong pinoprotektahan mo? Pinoprotektahan mula sa ano? Peligro ba ang iniiwasan mo o pilibro ang ginagawa mo? Kung may disiplina tayo sa batas, hindi na natin kailangan ng bakod dahil alam nating bawal tumawid o pumasok. Wala tayong poprotekktahan dahil alam nating ligtas ang kapaligiran. Bakit ka dadaan sa daanang hindi ginawa para sayo? Sabi nga nung siklistang hindi ko sinasadyang masigawan dahil muntik na akong mahagip, “naka-bisekleta ako kaya sa bike-lane ako dadaan.”

Ilan lang yan sa mga senyales ng isang maunlad na bayan. Lahat ito ay maaaring makamtan kung tayong lahat ay magtutulungan at itatabi ang pandariling interes. Tapos na ang mga araw ng paglagpak natin sa lupa, bumangon tayo at iwasan muling madapa. Matuto tayong sumunod sa batas at tanggapin ang pagbabago. Piliing mabuti ang pinunong magpapakita sa atin ng tamang landas. Ang pag-unlad ay nasa kamay mo bilang mamamayan ng bansang ito.

Advertisements

1 thought on “MGA SENYALES NG ISANG MAUNLAD NA BANSA”

  1. Ang problema: magaksalungat kasi ang konsepto ng demokrasya sa disiplina sa kasalukuyan. Hindi siya nagko-coexist sa mata ng marami e. Para siyang may laaya kang makinig ng musika nang malakas sa bus kahit sa totoo lang ay hindi mo alam (o sa totoo lang, wala kang pakialam) kung naririndi na ba ang katabi mo sa nakakasuyang tunog nito.

    Isa pa: nakalaya nga tayo sa diktadurya, pero napahalagahan ba talaga natin ito para maging maunlad? Hindi. Kasi lumabis rin ang tao. Lumabis ang mga oligarkiya. Yung sumunod na administrasyon, pumalpak rin nang husto.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s