EXPERIENCES · LIFE IN THE PHILIPPINES

Mga AWARD-WINNING na Palusot ng mga Di Nagbabayad ng Pamasahe sa Bus

 

palusot mo sa bus.jpg

Halos araw-araw akong sumasakay sa bus simula noong high school palang ako hanggang ngayon. Mapa-ordinary, air-conditioned, provincial, at maging yung bus na mukhang school bus na ginawang makulay at madalas bumyahe sa mga probinsya ay nasakyan ko na. Umulan man o umaraw, maluwag man o siksikan, mas pipiliin ko parin sumakay ng bus kaysa sumakay sa mainit na jeep o makipag-balyahan sa MRT. Lahat na ata ng klase ng pasahero ay nakasama ko na. Mayroong studyante, papuntang kampo militar, manggagawa, demolition team ng MMDA, bakasyonista, dayuhan, at may mga hindi nagbabayad ng pamasahe. Oo, yung mga matitindi ang paraan para makaiwas sa kundoktor. Mas tinatawag ang pamamaraang ito ngayon na “123”. Marahil naisip mo na rin na ilista ang mga ito, hayaan mo’ng ilista ko para sayo ang mga most award-winning na palusaot ng mga nagwa-123 sa bus.

  • “Nawawala ang wallet ko” ang madalas na sambit ng isang manong sa bus na bumabyahe mula Novaliches papuntang Alabang. Madalas na mag-isa ang lalaking ito ngunit minsan may kasama itong “asawa”. Tatayo ang lalaking ito at kakapa sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. Titingin sa ilalim ng mga upuan at magsasalita ng malakas na may halong pag-tawa at dismaya, “nawawala ang wallet ko”. Marahil ginagawa niya ito upang maka-menos gastos, pero posible din na ginagawa nila ito upang matuon ang pansin ng ibang pasahero sa kanya upang madukutan ng mga kasamahan nila. Ingat po.
  • “Tulog mantika” naman ang maririnig mong sasabihin ng kundoktor sa isang pasaherong sobrang lalim ng tulog at tila ayaw magising. Sisingilin ang taong ito ng kundoktor upang singilin ng pamasahe ngunit sobrang lalim ng tulog nito at hindi talaga magpapapa-gising. Magpapa-rinig ang kundoktor sa pasaherong ito ngunit siya ay patay malisya.
  • “Mam-ser, ako po ay manggagawa mula sa kunsaan” habang may hawak na papeles na nagsasabing siya ay manggagawa mula sa isang kupanyang ayaw magpa-sahod sa kunsaang lugar para masabing lihitimo ang kanyang paghingi ng tulong. Madalas ko makasabay ang mga “manggagawang” ito sa byaheng EDSA patungong Novaliches-Bayan at sumasakay lang sa ordinaryong bus na walang gaanong pasahero. Marahil upang makalakad at malapitan ang bawat isang pasahero. Oo namamalimos ang taong ito, ngunit hindi parin siya nagbayad ng pamasahe.
  • “May patay nanaman sa inyo?” ito talaga ang madals na bukang-bibig ng driver sa tuwing aakyat ang isa sa mgabinatilyong naulila-kuno ng kanilang inang may cancer sa dibdib. Gaya ng manggagawa mula sa samahan sa kunsaan, ang mga binatilyong ito ay may dala rin na papeles na nagsasaad ng kamatayan ng kanilang umano’y “ina”, tatlo hanggang limang araw na ang nakalipas. Madalas na humihingi ito ng abuloy o pampalibing. Madalas mo siyang makakasabay sa EDSA patungong Fairview. At oo, hindi rin siya nagbayad ng pamasahe.
  • Wala naman masama sa pagpapakalat ng salita ng Diyos, wag lang gamitin sa pamamaraang illegal o pansiriling kapakanan. Yung iba ginagawa itong business at pinagkakakitaan halos araw-araw. Madali mo naman malaman kung sino sa kanila ang totoong namamahayag ng salita ng Diyos at kung sino yung lumilimos lang. Yung mga totoong naghahayag ng salita ng Diyos ay may iba-ibang verse na ginagamit nagmumula sa hawak niyang bibliya. Maayos din kasuotan at mayroong speaker sa baiwang. May maayos na sobre at mararamdaman mong totoo sa kaniyang mga sinasabi. At higit sa lahat, nagbabayad sila ng pamasahe. Ang isa naman ay pauli-ulit ang binabasang pahina sa Bibliya. Pinaiikot-ikot ang bawat salita upang mapa-haba lamang ang kaniyang paliwanag. Hindi rin nagbabayad ng pamasahe.
  • Naka-headphone o naglalaro sa cellphone. Kung matagumpay ang operation 123 nung mga nauna, ang isang ito naman ay maari mong pigilan. Madalas na totoo din ang katuwiran ng isang to na busy siya sa nilalaro o pinakikinggan niya. Pero mapapansin mo na kung hindi siya kinalabit ng kundoktor ay maaring nakarating ang taong ito sa kanyang paroroonan ng hindi gumagastos ng pamasahe sa bus.

komedi_1456289310948_460.gif

Naniniwala akong nararapat na ibalik natin sa tamang paraan ang hirap na ginagawa ng mga kundktor at driver ng mga bus. Alam ko’ng dumarami ang mga modus na bus kaya’t marami ang nagsasabing hindi ligtas sumakay sa kanila, ngunit hindi lahat sila ay manloloko ng pasahero. Yung iba sa kanila ay nagtatrabaho ng mabuti at marangal upang may mai-uwi sa kanilang mga pamilya. Nararapat lamang na mag-bayad tayong mga pasahero ng tamang pamasahe upang masuklian tayo ng katumbas nitong maayos na serbisyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s