LIFE IN THE PHILIPPINES · LIFESTYLE · RELATIONSHIP · TAGALOG · TIPS

Tips Para Hindi Maging Emotionally Attached

emotionally attached

 

“Thou shalt learn to let go.” Malamang kasama nito ang “Thou shalt not assume” Sa 10 commandments ng pag-ibig. At kung mahal mo talaga siya, minsan kailangan mo rin talaga bumitaw sa pag-sakal sa leeg niya.

 

Hindi pa tapos ang mga puso ngunit kabi-kabila na ang humuhugot dahil daw tila hindi na sila bida sa paningin ni “mahal. kaya sa araw na ito, tatalakayan naman natin ang mga Tips para hindi ka maging emotionally attached sa isang tao, alinsunod sa ‘Tips para hind imaging assuming’. Tandaan mo, hindi porke hindi siya nag-text ay hindi ka na niya kagad nami-miss.

 

Ang ma-inlove sa isang tao ay hindi biro kaya’t hindi nakakapagtaka na ang bunga nito ay ang pagiging emotionally attached. Palalim ng palalim ang koneksyon at kalaunan ay mahihirapan ka nang tanggalin ang feelings mo lalo na kung ikaw ay in-relationship na sa kanya. Kapag emotionally-attached ka, hindi ka na kaagad mapakali pag hindi siya nagre-reply sa mga texts mo. Paano kung busy lang talaga siya? O wala siyang load? nagiging over-protective ka hindi dahil concerened ka, kundi dahil obsessed ka na. Nawawala sa lugar ang pagse-selos mo at napag-iisipan ng masama ang mga taong nakakasalamuha niya. Lagi mo na rin hinihingi ang atensyon nya kahit alam mong naiistorbo mo siya. Paranoid ka na nga, assuming ka pa.

 

Kaya tuloy imbes na umaasenso ang taong mahal mo, ikaw pa ang lumalabas na humihila sa kanya pababa. Kapag tila hindi na gumagana ang tiwala mo sakanya at hindi parin sapat ang maya’t mayang pag-text niya sayo maging totoo man ang hinala mo o hindi, isa nalang ang sulusyon: kailangan mo nang magbago at iwasan maging emotionally-attached.

 

Hindi gaya ng mga taong naga-assume, kakaunti ang bilang ng mga taong emotionally attached sa taong mahal nila. Naranasan ko ito noong sinabi sa akin ng taong mahal ko na may posibilidad na mangibang-bansa siya sa loob ng tatlong buwan kasama ang boss niya para dumalo sa taunang anibersaryo ng Google dahil may pagkakataong makilala ang kanilang kumpanya ngunit dahil emotionally attached ako sa kanya, hindi pa siya napipili upang sumama ay tinututulan ko na kaagad na para bang aalis na siya bukas. Hindi ko pa napakikinggan ang opinion niya tungkol dito ay nilalatag ko na ang mga pag-move on na gagawin ko kapag umalis siya. Ibinabalita palang niya pero nanginginig na ako sa takot na mawala siya sa akin. Emotionally attached ako at hinila ko pababa ang taong mahal ko dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya.

 

Boom! ‘Yan tayo, eh! Buti nga nagsabi pa siya ng totoo kasi alam niyang masasaktan ako kapag binigla niya ako. Pero ano, hysterical kaagad ang lola niyo dahil sa pagiging emotionally attached ko sa kanya.

 

Masakit kasi na mawalay sa taong mahal mo. Hindi naman puwedeng maging manhid pero hindi rin naman puwedeng sobra-sobrang feelings ang ibigay natin kaya’t upang maiwasan ang labis na attachment kay mahal, heto ang ilang tips na makatutulong sa’yo:

 

  1. Mag-focus sa mga bagay na makakamtan mo sa pamamagitan ng sarili mong lakas. Dahil mayroong mga bagay na hindi kailangan ng dalawang tao upang makamtan. Try mo mag-sports para maging malakas, magtrabahong mabuti upang ma-promote, Mag-aral upang pumasa. Maraming paraan at achievements na puwede mo’ng makamtan mag-isa. be independent. Dahil aminin natin ang totoo, 1 out of 10 lang mag-asawang namamayapa ng sabay.

 

  1. Ibalik ang bisyo noong hindi mo pa siya nakikilala. Iwasan mo yung masama at be considerate sa less harmful na bisyo dahil alam naman natin na lahat ng sobra ay nakaka-sama. Naaalala mo pa ba noong tila hindi ka nagugutom dahil busy ka sa nilalaro mo’ng video game? O tila hindi mo na napapansin ang cellphone mo kasi kilig na kilig ka sa pinanunuod mong koreanobela? Magandang paraan ito upang maiwasan ang labis na pag-focus sa taong mahal mo.

 

  1. Kill yourself inside. Wop! Wop! Wop! Bitawan mo ang kutsilyo. Ang tinutukoy ko ay ang personality sa loob mo. Ito ang pagkatao mo’ng nabuo sa haba ng pinagsamahan niyo ng taong mahal mo. Wala ito sayo noong mga araw na cartoons at jolens pa lamang ang mga bagay na iniisip mo. Mapapatay mo (or at least mapahina mo) ito sa pamamagitan ng pag sabi sa sarili ng mga bagay na posibleng mangyayari sa relationship Dahil walang perfect na relationship at mas mabuti na yung handa ka sa posibleng mangyari. Umiyak ka man, hindi iyan tatagal.

 

  1. Isipin mo ang pamilya mo na naging pinaka malaking kakampi mo sa mga hamon ng buhay. Tandaan mong may posibilidad na talikuran ka ng lahat maliban sa pamilya mo. Sila ang kakampi at 1 supporters mo.

 

  1. Ilagay mo ang mga paa mo sa sapatos niya. Hindi literal. Isipin mo rin ang sitwasyon niya at ang mga pinag-daanan niyong dalawa ng magkasama. Umabot kayo sa puntong ito ng matatag –hindi man sa panigin mo, kahit sa paningin nalang ng ibang tao na naniniwala sa kakayahan niyong magtagal at basagin ang pader ng #WalangForever ng hawak kamay with fireworks Isipin mong mabuti dahil sa ngayon, ikaw na ang higit na nakaka-kilala sa kanya. Isipin mo, kung ako siya, ano kaya ang ginagawa ko ngayon? Ano kaya ang mga iniisip ko?

 

  1. Matutong lumingon sa likod. Dahil hindi lang siya ang mundo mo. Paano naman ang mga taong naka-sandal sa likod mo? Mga taong umaasa at nag-aalala sayo? Masyado ka nang nagpo-focus sa kaniya. Siya lang ba ang tao sa mundo? Isipin mong may buhay ka bago mo siya nakilala at ganoon din naman siya.

 

  1. Be fair at ibalik ang saktong pagtingin na ibinibigay niya sa’yo. Huwag mong ibigay ang 100% dahil alam naman natin na masakit ang umasa at mag-mahal ng buong puso.

 

  1. Sinabi ko rin ito sa ‘Tips upang hind imaging assuming’. Sa lahat ng mga payo, ito talaga ang una mong dapat gawin. Walang masama sa pagtatanong at walang namamatay sa pagtatanong. Minsan kailangan mo rin manghingi ng payo sa iba dahil maaaaring naranasan na nila ang ganito at makatulong ang experience nila sayo.

 

Sabi nga ni Elsa, “Let it go~”.

emo atach.jpg

 

Advertisements

2 thoughts on “Tips Para Hindi Maging Emotionally Attached

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s