ROAD TRIP

ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG SIMPLE MONG SALITA?

 ANO BA ANGIBIG SABIHINNG SIMPLEMONG SALITA

Tayong mga Pilipino mahilig isalaysay ang mga bagay na nararamdaman natin. Likas kasi sa ating mga Pilipino ang isiwalat sa lahat an ating nararamdaman sa pamamagitan ng salita. Kaya naman minsan hindi maiwasang malagay tayo sa sitwasyong hindi inaasahan dahil sa mga nasasambit natin na hindi natin iniisip mabuti. Ngunit alam mo ba na ang choice of words natin ay maaari ding tumulong upang tayo ay lubos na makilala? Bawat salita ay may kahulugan at kayang mailarawan ang ating personalidad. Ito ay ilan sa mga salitang madalas natin nababanggit at maaaring maglarawan sa ating nakasanayan, karanasan, idelohiya, o hinahangad.

  • Lang

“Ayos lang” – Madalas natin ito nagagamit upang ipahiwatig sa ating kausap na tayo ay hindi naghahangad ng labis. Sinisimbolo ng salitang ito ang pagiging simple ng isang tao. Ganoon lang yun.

  • Yung o Yoong

“-Yoong makikita sa kanto” – Madalas natin ginagamit ang salitang ito upang madugtungan ang isang sentence. Sinisimbulo nito ang pagiging mapag-pahayag at maalaga ng isang tao. Dinadagdagan natin an gating paliwanag upang mas lalo tayong maintindihan ng kausap natin.

  • Talaga

Depende sa pagkaka-gamit. Ang Salitang “talaga” ay maaaring  tanong o ekspresyon ng mabigat na damdamin. Kung madalas gamitin o marinig ang salitang ito sa dulo o bandang simula ng isang pangungusap, ipinapakita nito ang labis na paghingi ng atensyon ng isang tao upang siya’y paniwalaan.

  • Naman

Absolute truth o sapat na katotohanan, yan ang ipinaparating ng isang pangungusap pag naroon ang salitang “naman”. Ipinipakita nito ang pagiging makatotohanan ng isang impormasyon na nasabi natin. “Yung sa akin naman…” – maaaring sinisimbulo nito ang katangian ng isang taong may kagustuhan na sa kanya ang huling salita o nais na mapakinggan ang kanyang opinyon.

  • Kung – Pagiging positibo

“Kung gusto mo naman, pwede mo subukan yung…” – Sa pamamagitan ng pag-pagmumungkahi o pagbigay ng ibang pamamaraan, naipapakita ng salitang ito kung gaano ka-positibo ang isang tao.. Ika nga nila, “there’s always a way in”.

  • Kaso

Ito naman ang kasalungat ng “kung”. “Kaso kasi may exams kami.” – Ipinapahiwatig naman ng salitang ito ang pagiging negatibo ng isang tao kung lagi mo ito naririnig sa kanya. Syempre may paraan upang malusutan ang isang bagay, ngunit ang pag-gamit ng “kaso” sa halip na “pero” ay nagpapakita ng mas labis na di pag sang-ayon. Wag mo na subukan kumbinsihin ang kausap mo, sarado ang utak niya.

  • Nga

“Ito nga yung hinahanap mo.” Gaya ng salitang “talaga”, ang labis na pag-gamit ng salitang “nga” sa mga pangungusap ay nagpapahiwatig ng malakas na paniniwala na dapat na mas mapangkinggan ang mungkahi ng isang tao. Madalas nasasambit ang salitang ito nang may diin kaya’t mas nakaka-kuha ito ng atensyon kumpara sa saliang “talaga”. Ayaw mo maniwala? Totoo nga yun.

Ilan lang ito sa mga salitang madalas natin masabi na hindi na rin natin halos napapansin. Ngayong alam mo na ang mga maaaring ipahiwatig ng mga salitang ito, subukan mo naming pagsamasamahin ang mga katangiang pagkatao na sinisimbulo nito. Pakinggan mo ang mga sinasabi ng kausap mo at sa kahit isang pangungusap lang, makikila mo na siya.

Mayroon pa ba akong nakalimutan sa mga salitang nilista ko? Sabihin mo sa akin sa comment sectionat pag-uusapan natin iyan.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s