LIFESTYLE · NEWS · TAGALOG · THOUGHTS AND OPINIONS · TIPS

HIWAGA NG GATAS

hiwaga ng gatas

Oo. Gatas nga ang nabasa mo. Yan ang pinaka-unang nilunok mo sa buong buhay mo at hanggang ngayon ay umiinom ka pa rin niyan. Hinalo mo yan sa kape mo na ininom mo bago mo sinimulan ang araw mo. Nakalagay yan sa pancake na natikman mo noong nakaraang umaga. At naging flavor din yan ng mga paborito mong pagkain. Pero bukod sa Calcium, ano pa ba ang kayang ibigay satin ng gatas? Ano ba ang mga mabubuti at masasamang epekto nito sa katawan? Eto, mababasa mo na. Hinanap ko para sa iyo.

0404_milkAlam mo ba na ang gatas ang main source of calcium? Alam na natin yoon. Pero alam mo ba ang masamang epekto ng sobrang calcium? Ang Hypercalcemia ay isang karamdaman kung saan ang bilang ng calcium sa katawan ay tumataas na nagsasanhi ng sobrang pagka-uhaw, pag-ihi, pagsusuka, kawalan ng gana sa pagkain, panghihina, pananakit ng mga buto, at pag-bagal o pag-hinto ng paglaki. Hmm, siguro nasobrahan din ako sa pag-inom ng gatas kaya’t hindi na ako tumangkad? Dahil sa labis na epektong maidudulot ng sakit na ito sa iyong kidney, maaari din itong maiwasan sa pamamagitan ng pag inom ng maraming tubig at (kung sakaling isa kang smoker) tigilan ang paninigarilyo dahil nakaka-apekto ito sa pag-unlad ng iyong mga buto.

Para naman hindi ka masyadong matakot sa calcium, heto naman ang mga bagay na naibibigay ng calcium na posibleng di mo alam: Ang calcium ay pang-laban sa heartburn o yoong paninikip ng dib-dib na madalas natin nararanasan sa pag inom ng sobrang kape o sobrang emotional pressure. Ang tawag sa calcium na ito ay Calcium Carbonate. Napatunayan din na nakakapagpababa ng risk of colon at rectal cancer ang calcium. Kaya’t dapat mapanatili ang pag inom ng gatas araw araw.

giphyNasubukan mo na ba ihalo ang powdered milk sa kape kasi ubos na ang iyong paboritong coffee creamer? Kung oo, masarap ba? Gaano ka-rami? Isang kutsara? Tatlo? Walo? Tapos ano, pag-gising mo isang umaga nasa toilet ka na? Hindi na bago yan. Isa ang gatas sa mga consumables na matatagpuan sa Dairy section na posibleng magdulot ng pag bigat ng tiyan at pag lambot ng (ehem!) dumi. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nakakaramdam ka ng ganito sa tuwing kumakain ka ng  pagkaing ma-keso? Dahil ang gatas ay mayroong fiber na nag papa-lambot ng dumi kaya’t nakakaramdam tayo ng pagbigat ng tiyan sa tuwing kakain o iinom tayo ng sobrang gatas.

Kung sakaling hindi mo alam, hindi lang sa baka at tupa nagmumula ang gatas. Ang puno ng buko o niyog na tinaguriang “The tree of life” ay may kakahayahang magbigay ng gata niyog o coconut milk.ang Soya beans din ay nakakapagbigay ng soya milk na ginagamit sa pambansang pampainit ng tiyan sa umaga, ang taho – na ngayon ay may strawberry flavor na! Mabibili sa Baguio City. Sa tingin ko alam mo na ang mga yan. Pero alam mo ban a ang Almond nut na madalas mo lang nakakagat kapag kumain ka ng imported chocolates ay maaari din mapag-kuhaan ng gatas? Sa panahon ngayon, ang Almond ay maaari nang ma-process upang mapakinabangan bilang milk-substitute na tinatawag na Almond Milk.

And speaking of “chocolates”, sigurado ako na alam mo rin na ginagamit ang gatas sa pag-gawa ng tsokolate. Pero alam mo ba na gumagastos ang mga pangunahing manggagawa ng tsokolate sa Estados Unidos ng halos 3.5 million pounds ng gatas araw araw? Andami di ba? At 1/3 ng kalahatang gatas na nalilikom nila sa isang taon ay napupunta naman sa pag-gawa ng keso.

milk_jp.jpgAyon sa Cycling Weekly website, ang gatas ay napatunayang mas magandang panawid-uhaw kay sa Powerade:

“While the milk-based products had no impact on thirst, research did discover that the net body mass was “significantly less” in participants that drank Powerade.

The researchers believe this “superior fluid recovery” experienced by those who drank Sustagen Sport was attributed to the product’s “additional energy, protein and sodium”, which are components that have previously demonstrated a capacity to positively influence post-exercise fluid retention.”

-Cycling Weekly

Ilan lang yaan sa mga trivia tungkol sa gatas. Mukha ngang mabuti ang inumin ayon sa angkin nitong kulay. Ngunit sana’y tandaan natin na anumang labis ay nakakasama. Masarap at masustansiya ang gatas ngunit hindi ibig sabihin noon ay ipapalit na natin ito sa tubig sa tuwing mauuhaw tayo.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s