Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Bayan O sarili, ano ang pipiliin mo? isa sa nabanggit na quotation sa pelikulang Heneral Luna na hindi ko malilimutan:  “Mga kapatid merong tayong mas malaking kaaway kaysa amerikano, ang ating sarili.” Malalim na kataga pero kung ating  iintindihin mabuti ay tama. Ayon sa history ng ating kasaysayan kilala si Heneral Luna na bilang malupit, abusado at mayabang na heneral. Ngunit sa likod nito siya ay isa sa  pinaka-magaling na heneral noong gera sa mga Amerikano. Kilala din siya bilang strikto at prangka  Ngunit sa kabila nito siya sa mga taong na tunay nagmahal sa bayan.

Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Ipinakita sa pelikula ang pagigiging pusong makabayan ni Heneral Luna. Pinakita din dito ang kanyang adhikain para sa bansa para sa totoong kalayaan. “Walang makakaangat sa batas, kahit na presidente” Yan ang isa sa mga binitiwan salita ni Heneral Luna. Isang salitang na pinagtibay ng prinsipyo at katapatan. Ang nais lamang niya ay magkaisa ang bawat pilipino ngunit sa halip ay kapwa pilipino din ang naglalaban at nagpapatayan. Isa din sa mga naging issue sa pelikula ay ang pagmungkahi ng awtonomiya sa ilalim ng amerikano na pinagmulan ng pagtatalo ni Felipe Buecamino at Heneral Luna. Sino nga ba ang tama? Makakamit ba talaga ang kalayaan sa pakikipaglaban o pakikipagkapayapaan? Kahit ako marami din katanungan.

Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Mayroon din linya sa pelikula na tunay kong nagustuhan. Malalim at makabuluhan.

“Nagwakas na ang magagandang araw ng mga rosas. Nagsimula na ang busilak na mga gabi ng ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan. Ang lupang tinubuan, asul na kalangitan, luntiang kaparangan, isang lupain ng sining at damdamin. Hindi magtatagal, para sa pagibig sa inang bayan, waring dala ng isang lihim na mensahe. Dinagit tayo ng isang nakakubling kamay at tinapon na parang dahon sa gitna ng sigwa. HIndi magtatagal at magiging nag-aalimpuyong mga alabok na lamang tayo.”

Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Noon pa man ang mga nasa posisyon ay ganid sa kapangyarihan. Sa pelikula tanging si Luna lang ang may lakas ng loob para ito ay ituwid. Nakakalungkot man isipin ngunit siya ay nabigo. Konting-konti din lamang ang pinagbago ng pulitika sa ating bansa. Marumi, marahas at hindi mapagkakatiwalaan. Wika nga ni Luna sa isang pagpupulong “Kung may ganito na sa ating pangkat hindi na natin kailangan ng kaaway.” Nakakatawang isipin ngunit totoo. Sa bawat pilipino, politikal man o hindi mayroong isang traydor na  hahatak sayo upang malihis ka sa tamang daan. Nabigla din ako sa kayang gawin ng tao sa gitna ng rebulusyon. Bakit hindi na lang sila magkaisa? Pare-parehong pilipino pa ang nagpapatayan at naglalaglagan. Marahil likas na sa tao ang ganito. Ganito ba talaga ang tadhana natin? Kalaban ng kalaban. Kalaban ng kakampi, nakakapagod talaga.

Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Gaano bang katotoo na mga taga suporta pa ni aguinaldo ang pumatay sa nagiisang makabayang heneral na walang ginawa kundi mahalin lamang ang bayan. Masakit isipin na dala pa din natin ang ganitong gawi hanggang sa panahon ngayon. Tila totoo nga ang sinabi ni Luna na hindi nakakamit ang kalayaan sa pagaaruga sa mahal sa buhay.  Walang tunay na kalayaan para sa atin. Preso pa din tayo ng sarili natin politika, Sunod-sunuran sa mga banyaga. Parang talaga tayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig ng isang p**a.

Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Isa pa, sa social media ay nabasa natin ang iba’t ibang reaksyon at komento ukol sa pelikula. May komentong maganda mayroon din masama, meron din napakawalang kwentang. Tulad na lamang ng isang post na nakita ko: “nanood lang ng heneral luna naging makabayan na?” Totoo ba talaga na nagiging stupido na ang pilipino? Ano ba ang ipinupunto ng pelikula para sayo? Pati si Apolinario Mabini hindi din pinalampas. Ano na ba nangyayari sa ating mga kabataan?

Para sa akin, isa itong eye-opener para sa pilipino. Sa pelikulang, pinakita ang walang hangang kagitingan ni Heneral Luna at dahil sa pagiging makabayan niya, iyon din ang naging mitsa ng kanya buhay. Inalay ang dugo at pawis ngunit para saan ba? Para alipinin ng mga banyaga? Hindi ko maintindihan ang politika at aaminin ko wala pa ko nagagawa para sa bayan. Ngunit isa itong simula sa bagong kinabukasan, itinuturo ng pelikulang ang kamalian ng nakaraan na sana ay wag na nating pang pagdaanan. Ang pagbagsak ng unang Republika, dahil sa maling pamamalakad at pangsariling kapakanan.  Itinuturo  nito ang halaga ng kasaysayan na dapat wag nating kalimutan. Mga bayaning naging nagbuwis buhay para sa kalayaan. Pinakamahalaga ay itinuturo nito sa atin ang tunay na paninindigan na may malinis na prinsipyo at adhikain.

Heneral Luna: Bayan o Sarili?

Tao lamang din si Heneral Luna, tulad ng ibang tauhan sa kwento hindi sila perpekto. Matuto tayo, imulat natin ang ating mga mata sa aral na iniwan nila. Sa lahat ng nakapanood ng pelikulang Heneral Luna sana ay nakapulutan din ninyo ito ng aral. Sa mga hindi pa, heto para sa inyo “Artikulo uno” manood na kasi kayo! At sa huling linya ng aking article iiwan ko sa inyo ang katanungan ito; Sa papaanong paraan ka magiging makabayan?

Advertisements

8 thoughts on “Heneral Luna: Bayan o Sarili?”

  1. siya ang taga-hawak ng ng pondo “in kind” at cash ng mga rebolusyonaryo…in kind, dahil may mga gintong gamit at alahas maliban sa pera…nang mamatay siya, hindi na mahagilap ang mga sako-sakong pondo…may pinatago siya…isa yan sa mga sekreto ng buhay niya…biglang yumaman ang pamilya nitong “best friend” niya…marami ang nagtaka…may anak siya pero sinira ang mga papers upang hindi ma-trace kay Luna ang kanyang lahi…sobra pa sa prominente ang status ng pamilyang ito ngayon…nasa politics…

    Like

  2. Thank you for the info at least nadagdagan ang kaalaman ko tungkol kay heneral luna…

    Tama nga na ang mas malaking kaaway natin ay ang ating sarili wala ng iba…nize (y) blog!!!!

    Like

  3. Sa papaanong paraan ako magiging makabayan? Well, aatupagin ko nalang yung sarili ko kesa sa bayan. sa ganung paraan ako makakatulong sa ating bayan. Dahil sa panahon ngayon, ang mga “Tao” na ang Problema ng “Bayan”.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s