Tips Para Hindi Antukin

Tips Para Hindi Antukin

Naranasan mo na ba mapagalitan ng iyong teacher dahil ika’y natulog sa gitna ng kanyang lecture? Dahil hindi mo mapigilan, naiyuko ang ulo mo sa ibabaw ng iyong desk ng hindi mo namamalayan. Kumpleto naman ang tulog mo pero bakit ganon, pagdating ng tanghali antok na antok ka na. Kung medyo makapal ang iyong mukha pwede ka namang humiga sa hallway at magdala ka pa ng unan. Yun teacher mo na babatuhin ka na lang ng eraser dahil hindi ka na nga nakikinig, e tinulugan mo pa. Hindi mo alam kung sadyang inaantok ka lang o dahil boring talaga yun subject mo.

Bakit ka nga ba inaantok sa klase, lalo na sa tanghali? Busog lang ba o hobby mo lang talagang matulog. Sabi nga nila, dahil daw sa pagod. Hindi ng mga muscle kundi ng utak o tinatawag na “brain tiredness” Yun puso nga napapagod yun utak pa kaya? At ang tanging tanong, ginagamit mo ba ng tama ang iyong utak para mapagod ito? Sana nga lang may subject na din sleeping101, ewan ko lang kung magreklamo ka pa at sigurado A+ tayo dun.

Normal din para sa mga tao na matulog pitong oras makalipas mong magising dahil kelangan daw ng katawan ang konting pahinga. Kaya nga naimbento ang 1 hour break, at least kahit 15 minutes ay mapahinga mo ang iyong isip at katawan.

At kung lagi kang inaantok sa klase, siguro may problema ka na talaga. kaya naman ito ang ilang tips para matulungan ka labanan ang antok sa inyong klase.

Tips Para Hindi Antukin

  1. Caffeine o fluids, ito ang madalas at unang- unang solusyon sa mga taong inaantok, pero hindi ko sinasabi na magkape ka sa loob ng klase mo. Unang una, ang pagkain at paginom sa loob ng klase ay bawal talaga. Sunod, nakaka-offend naman yun para sa iyong guro. Inaantok ka na nga, ipapakita mo pa na nagkakape ka, “Ikaw na nagkakape” sabi ng teacher mo. Kung medyo malupit ang teacher mo mapapahiya ka lang naman kaya kung hindi mo kayang itago wag mo na lang ipakita. Di ba may 1 hour lunch break ka, uminom ka na, bago ka pumasok sa afternoon class mo.  Pero, kung makapal talaga ang mukha mo o malakas ka sa teacher mo, i- push mo lang yan. Ikaw naman yan e. Kung hindi ka naman pwede sa mga caffeine, pwede  naman and malamig na malamig na tubig bawat 30 minutos, Tangal ang antok mo dito, marami nasasabi na gumagana ito.

Tips Para Hindi Antukin

  1. Dagdagan ang ilaw, buksan mo kasi ang ilaw o bukas ang bintana para lumiwanag ang paligid. Pag medyo madilim mas mataas ang chance na ikaw ay antukin.  Ang iyong katawan ay nagrereact sa bawat liwanag at dilim na nakikita mo. Pag madilim naalala ng katawan ang oras na malapit ka na matulog dahil nabawasan ang liwanag sa iyong silid. Kung nararamdaman mo na bumabagsak na ang mga mata mo at inaantok kana, kelangan mo na ng liwanag, buksan ang mga ilaw sa tapat mo. maniwala ka kaibigan makikita mo ang agarang resulta. Trust me, epektibo to.

  1. Pumunta sa CR, humingi ng permiso. Paano makakatulong ito para malabanan ang antok? Una mababanat ang iyong paa at kasukasuan sa paglalakad. Kaya mas malayo ang banyo mas maganda. May exercise ka na tangal pa antok mo, oh diba? Pangalawa ay basain ang mukha ng tubig. Nakakatulong ito para maibsan ang inyong antok, try mo na lang effective to. Pangatlo, andun ka na nga sa CR. Umihi ka na, may nagsasabi na nakakatangal din daw yun ng antok. Pero wag ka matulog dun sa banyo, hindi magandang gawain yun.

  1. Ayon sa mga experto:

  • Pisilin at i-massage ang tenga. Mayroong tayong sensor point sa ating tenga na kapag na nagalaw o na stimulate ay natri-trigger ng electric signals papapunta sa utak. Try mo din baka gumana sayo.

  • Igalaw-galaw ang paa o i-tap ang iyong paa. Kakaiba ngunit nakakatulong ito sa iba. Kung gumana man ito, pasalamat ka. Makakatulong ito na hindi ka antukin sa boring mong klase. Wag lang lagi baka magalit yun katabi mo. Maging sensitive

  • Pag inaantok ka, sure yun maghihikab ka. Kung naghihikab ka nababawasan ang oxygen na tinatangap ng mo. Ibig sabihin ang iyong paghinga ay mabagal, magaan at steady lang at yun ang ayaw mo mangyari dahil surebol aantukin ka na nyan. Kaya wag mag hikab sa abot ng iyong makakaya.

  1. Mag-isip ng mga bagay na makakatulong sayo para malibang ka habang natututo sa classroom. Kung pagod ka na sa boring at paulit-ulit na lesson ng iyong teacher, bakit hindi ka gumawa ng experimental lesson o game para hindi ka antukin. Ikaw na bahala, wag mo lang susundutin ng krayom ang mata mo. Okay?

Kung talagang lagi kang inaantok sa classroom, baka may problema ka na sa kalusugan. Subukan humingi ng payo o konsultasyon sa inyong doktor ukol dito.

Kung meron pa kayong ibang tips na pwede ishare sa amin, maari kayong mag-comment sa baba. tulungan natin ang ating kapwa para magising.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s