TODAY'S TRIP

Ugaling Pilipino: Noon at Ngayon

Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa may magagandang katangian sa mundo. Hindi lamang sa asal, mayaman din ang ating bansa sa  kultura at tradisyon. Nasakop man ng mga dayuhan ang ating bansa nanatili pa rin ang mga katangian iyon. Noong panahon pa ng ating mga lolo’t lola, ang panliligaw at pakikipagtipan ay  isang sagradong pangako na kailangan  ng basbas ng magulang. Noon din ay ang pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig ng isang binata ay isang paraan upang maipakita niya sa magulang ng dalaga ang sincerity at pagmamahal  sa kasintahan. Madalas din ang paggawa ng liham, pagbibigay mababangong bulaklak at ang pag haharana gamit ang gitara at awit ng pusong handang maghintay at kahit sariling buhay ay iaalay.

http://www.filipiknow.net/wp-content/uploads/2013/11/harana.gif
http://www.filipiknow.net

Isa din sa magandang katangian ng pilipino noon ay ang pagsasalo-salo sa hapag kainan tuwing hapunan. Habang ang ilaw ng tahanan ay nagluluto ng hapunan. Ang magkakapatid ay tulong tulog sa paghahanda ng kubyertos at  kasangkapan na gagamitin habang hinihintay ang kanilang ama na pagod galing trabaho. Sasalubong ang buong pamilya para bumati at magmano.  Hindi natatapos ang araw ng pamilya sa sasalo-salo lamang, dito ay ibinabahagi nila ang naganap sa araw nila. Masama man o mabuti, ang magulang ay laging handang gumabay sa kanila, sa bawat desisyong at landas na kanilang tatahakin ng kanilang mga anak.  Hindi din makakalimutan ng pamilya ang mananalangin upang magpasalamat sa mga biyaya at pagpapala na tinatanggap ng bawat isa mula sa Diyos.

https://itsabeeautifullife.files.wordpress.com
https://itsabeeautifullife.files.wordpress.com

Kilala din ang mga batang pilipino sa larangan ng palakasan, dahil simula pa ng pagkabata, naging palaruan na nila ang kanilang bakuran. Pagsasarangola, patintero, tumbang-preso, luksong baka, taguan, palo sebo at paglalaro ng trumpo ang kadalasan nilalaro ng mga batang pilipino noon. Malaki din ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang, na isang tawag  lamang ay agad na sumusunod  ang mga ito. Itinuturo rin ng magulang na ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na masamang gawain. Walang mang pormal na edukasyon noon  hindi naman ito naging handlang upang maging kilala ang pinoy sa pagiging mahusay sa pakikipagkapwa-tao.

Ugaling Pilipino: Noon at Ngayon 361ad594c61b9752b411b6de8bfba408 tumblr_m8nphlEhLw1ra9nivo1_500

Nakakalungkot  man isipin unti-unti nawawala ang mga magagandang katangiang ito, Naririto  ang iilang mga katangian ng modernong pilipino na sana ay mabago at hindi na maisalin pa sa mga susunod na henerasyon:

Ngayon mapabata man o matanda ay abala sa paglalaro ng online games, xbox, tablets, pati facebook at instagram sa halip na nakikipag-socialize sa iba. Hindi naman masama ang maglibang ngunit sabi nga sa kawikaan lahat ng sobra ay masama. Kahit din ang ibang mga magulang ay nag-iba din ang pananaw sa pagdaan ng panahon. Minsan nalang lumabas ng kwarto kaya yun normal na family gathering ay nawawala na.  Magkakasama nga sa iisang bubong ngunit wala ng oras para magusap.

Ugaling Pilipino: Noon at Ngayon           Ugaling Pilipino: Noon at Ngayon

Kung may Maria Clara tayo noon, meron pa din naman Maria(Ozawa) ngayon, medyo endangered species na ang Clara ngayon. Isa pa ay pangkaraniwan na lamang sa magkasintahan ang premarital sex, kaya naman kung noon ay hinihintay ng magkasintahan na bumilog ang buwan bago magpakasal, ngayon hinihintay lang nila ang bumilog ang tiyan. Normal ng rin maituturing  and pag suout ng maiikling shorts kahit saan ka man magtungo. Hindi na din sa bahay ginagawa ang panliligaw, kahit sa kalsada o kahit text o chat sa FB pwede na. Mas mataas na din ang porsyento ng mga batang magulang o single parents.

Ugaling Pilipino: Noon at Ngayon

Hindi naman nawala sa ibang pilipino ang mga magagandang katangian ito, ngunit dahil nga sa modernisasyon ay nakakalimutan natin ito. Hindi naman masama ngunit habang lumilipas ang panahon lalo itong nababaon sa limot. May nawawala at nagbabago, ngunit sana ay lagi natin tandaan kung san tayo nagmula. Sa bansa ng Perlas ng Silangan, duyan ng mga bayani kaya wag nating pabayaan and mga ugaling pilipino na pinagyaman ng panahon. Dahil pagdating ng kinabukasan tayo din ay magiging magiging magulang, kaya wag nating talikuran ang mga turo inang bayan. Ang mga responsibilidad ng iyong magulang ay bukas sayo iaatang, ikaw na ang susunod sa listahan. Ang tanging iyon mamamana ay magandang katangian at ipapasa sa  iyong anak para sa kinabukasan.

Advertisements

4 thoughts on “Ugaling Pilipino: Noon at Ngayon

  1. Sa panahon ngayon, kapansin-pansin ang unti-unting pagkalimot sa mga kaugaliang Pilipino. Sa paglipas ng panahon, unti-unting ibinabaon sa limot ang mga kaugaliang ito na minana pa natin sa ating mga ninuno.
    Isa sa mga halimbawa ng mga kaugalian noon ay ang pagmamano at paggamit ng po at opo, ito ay pangkaraniwan na lang sa mga kabataan noon. Pero ngayon, ang pagmamano at pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang marinig sa mga kabataan ngayon. Noon, ang larong Tumbang-preso ay isa sa mga paboritong laro ng mga kabataan. Pero ngayon, unti-unti itong naglalaho dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya, kung noon ay tumbang-preso ang hilig ng mga kabataan, ngayon puro computer games nalang ang makikitang nilalaro ng mga kabataan.

    Kaya nakakalungkot isipin na ang mga kaugaliang nagmula pa sa mga ninuno natin ay unti-unting nagbabago dahil sa impluwensya ng modernong panahon.

    #Ako’yPilipino 🙂

    Liked by 1 person

  2. Sabi nga nila “people change” pero dapat sa pagbabagong iyon dapat hindi natin makalimutan ang mga mabubuting asal na itinuro sa atin ng ating mga magulang pati narin kay lolo’t lola… Ngayon dahil sa aking nabasa unti-unti kung naaalala ang mga gawain ng mga kabataan na kahit sa simpleng laro ay kuntinto na,..peo ngayon dahil sa pagbabago ng teknolohiya kahit kabataan ay hindi na pumapasok kung walang gadget na dala, at sa mga matatandang pagala-gala dahil sa mga anak na walang malasakit sa kanila, na humuhingi na lamang ng pagkain sa kalsada at kumakain mag-isa at sa mga batang maagang naging ama’t ina.nasaan na ang masayang pamilya?nasaan na ang mga katangiang pilipino? kaya dapat panatilihin natin ang ugaling mapagbigay,mapagmahal at matulungin sa kapwa at pati narin ang masayang pagsalo-salo ng buong pamilya..

    kaya salamat sa mga nabasa ko sana patuloy pa po ninyong ipaalala sa mga tao ang mga ugaling tatak pilipino..

    I’m proud to be a Filipino smile emoticon like emoticon heart emoticon

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s