THOUGHTS AND OPINIONS

“MAŇANA” Habit

manana habitAlam mo ba kung ano ang “manyana habit”? O baka naman medyo hindi na bago sa iyo ang marinig ang mga salitang “bukas nalang” o “mamaya na”. Ang “manyana habit” ay simpleng pagpapabukas o pagpapaliban ng isang gawaing maaari namang gawin ngayon.

Talaga nga namang di na sa atin bago ang pagpapamamaya o pagpapabukas ng isang gawain pero kung ating titingnan, wala rin talaga itong nagagawang mabuti sapagkat pinapatagal lang nito at tinatambak lang nito ang mga dapat nating gawin sa isang araw.

Paano nga ba natin ito makokontrol? Maaaring di maiwasan, pero ang kontrolin ito ay ang tanging paraan para hindi na tumuloy-tuloy ang ating “manyana habit”. Ang mga sumusunod ay maaaring mga paraan para bawasan ang ating “manyana habit”.

  1. Magplano ng detalye. Kadalasan sa atin, ang tanging tinitingnan ay ang buong larawan. Kumbaga, mas nasentro ang ating atensyon sa buong plano. Sa sobrang laki ng ating plano, minsan naiisip nating kakayanin lang natin ito sa isang gawain lamang. Halimbawa, ang isang mag-aaral ay kailangang kumuha ng isang panayam sa isang guro. Ang tanging iniisip ng mag-aaral ay ang sitwasyon o ang panayam mismo kaya nagiging mabigat ang proyekto para sa kanya. Ang dapat niyang gawin ay ang planuhin ang bawat detalye ng kanyang panayam at kasama na dito ang mga tanong, lugar ng panayam at iba pa. Ang pagpaplano ng mga detalye ay maaaring magbago ngunit ito rin ang magsisilbing gabay sa kung anong dapat gawin nang hindi nabibigatan sa buong proyekto.
  2. Purihin ang sarili sa bawat natapos na gawain. Siguro nga umeepekto pa rin sa mga matatanda ang salitang ‘rewards’. Hindi naman masama ang purihin ang sarili kung sakaling may natapos tayong trabaho. Isa iyon sa mga paraan upang mas igihan pa natin ang tumapos ng marami pang mga gawain. Upang magawa iyon, maaaring gawing kapalit ang isang paboritong gawain sa bawat natapos na trabaho. Halimbawa nalang ang panonood ng sine matapos ang isang exam.
  3. Humingi ng tulong. Tandaan: tulong ang hinihingi. Ibig sabihin, kasama ka pa rin sa trabaho. Kung sakaling nahihirapan, humingi ng tulong. Hindi naman masama yung hihingi ng kaunting tulong basta hindi lang abusado. Minsan kasi, sa sobrang hirap o komplikado ng isang gawain, nawawalan tayo ng gana. Ang silbi ng paghingi ng tulong sa iba ay may dalawang nagagawa: (1) napapadali nito ang trabaho at (2) mas nagugustuhan mo ang ginagawa mo dahil sa may kasama ka, kaya ang resulta, hindi nauudlot ang trabaho.
  4. Wag mawalan ng gana. Kapag nasimulan na ang isang gawain, gawin mo na ang lahat para matapos ito. Huwag mag-aksaya ng oras. Sayang din yun para sa iba mo pang plano. Magagawa mo ang gawain kung sa simula palang ay kinondisyon mo na ang sarili mong “gagawin ko na ‘to NGAYON”. Kahit hindi mo na sabihin ng malakas ‘yan, basta ang nasa loob mo ay nagsasabing “magsimula ka na”, gawin mo na.

Ang mga ito ay maaaring mga suhestiyon lamang. Disiplina pa rin ang kailangan para magawa ang isang trabaho at kontrol sa sarili. Alam din dapat natin kung kailan dapat pagsabihan ang sarili kung kailan tama na at kung kailan tumigil muna at magpahinga.

Advertisements

7 thoughts on ““MAŇANA” Habit

  1. Sa panahon ngayon na madalas mabilis ang takbo ng bawat oras ay kailangang magawa natin agad ang anumang gusto o kailangan nating gawin; dahil pag ipibagpabukas pa natin ito ay maaring may iba na namang kailangan nating pagtuunan ng atensiyon. Kaya kung kaya nang gawin ora mismo, gawin na. Makakatulong talaga ang iba pang idea na ibinahagi mo sa blog na ito.

    Like

  2. Mañana habit, maramimg mga tao ang may sakit na ganito yung tipong ipag papaliban muna kahit pwede namang tapusin or gawin ngayon. sabi nga ang oras ay mahalaga kaya sa mga taong mahilig sa mamaya na ay mga taong hindi nag papahalaga sa bawat oras sa buhay nila. praktisin mo na ang sarili mo sa loob ng bahay mo, kung may nakikita kang mga trabaho na pwede mo ng gawin eh gawin mo na, wag ng mag aksaya ng oras.

    Like

  3. Dagdag kaalama: The Mañana Habit is something that we have learned from the Spaniards. The word “Mañana” means ‘tomorrow’ or ‘specified future time’ also known as “procrastination” in plain English, “mamaya na” in Filipino.

    Like

  4. Mahalagang mabigyan ng panahaon ang nangyayari ngayon dahil bukas ay iba na namang pakikibak ang ating haharapin. Ang Mañana habit ay sagabal sa pag unlad ng isang tao, pamilya o kahit ng isang bansa.

    Like

  5. Mañana Habit, mahirap mang tanggapin, ngunit ito ay nakasama na sa kultura ng mga Pilipino.

    First let us define what Mañana Habit is? Mañana is a Spanish word meaning “Tomorrow” or “At an specified future time”. In short, it is exactly described as “Procrastination”.

    Gusto ko ang Blog mo, naglagay ka ng mga paraan upang maiwasan ang Mañana Habit.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s