ROAD TRIP

Maria Clara – Noon at Ngayon

Maria-ClaraLeonor Rivera (Jose Rizal’s betrothed). Riverra was immortalized by Rizal as Maria Clara in his novel, “Noli Me Tangere.”
(Source: http://www.philippine-history.org/picture-old-manila16.htm)

Si Maria Clara ay isa sa mga fictional character na tumatak sa isipan ng mga Pilipino. Una natin siyang nakilala sa nobelang isinulat ni Jose Rizal na pinamagatang Noli Me Tangere. Siya ay kinilala bilang kasintahan ni Juan Crisostomo Ibarra. Gayundin, isa siyang babaeng sinasabing may mga perpektong katangian na naging batayan ng mga kababaihang Pilipino.

Sa sanaysay na may pamagat na “Maria Clara” ni Carmen Guerrero-Nakpil, sinasabing ipinakilala ni Rizal ang mga katangiang mahinhin, maganda, masunurin, mapagmahal at iba pang moralidad na bumubuo sa kalinisang-puri ng mga babae.

Inilarawan din ni Rizal si Maria Clara bilang isang mestiza, napakaputi, bilog ang mga mata at may perpektong ilong. Ito ang naging pamantayan ng kagandahan sa Pilipinas. Kung ating susuriing mabuti ang nobela ni Jose Rizal, ayon kay Nakpil, si Maria Clara ay tulad din ng maraming tao na hindi napakabuti at hindi rin naman napakasama.

maria_clara_by_ichan_desu-d53fsmbSource: ichan-desu.deviantart.com/art/Maria-Clara-308106659

Sa Noli Me Tangere, makikita ang pagiging mahina at melodramatic ni Maria Clara. Nakita rin sa akdang ito ang pagsuway niya sa tunay na ama at napagpasyahang walang pakakasalan at mas pinili pa ang pumasok sa kumbento. Kagustuhan nga ba ni Rizal na ang maging modelo ng mga Filipina ay babaeng matapat sa puntong hindi na iniintindi ang sariling kalagayan at mayumi sa puntong nagpapakita na ng masyadong kahinaan?

noli_me_tangere-1

Tunay ngang napakalaki ng impluwensiya ni Maria Clara sa mga Filipina. Ang panlabas na katangian niya na semi-European ang naging pamantayan ng kagandahan na naging dahilan sa paglimot at pagkawala ng natural na hitsurang Filipino. At ang pinaka di-magandang pamana ni Maria Clara, ayon kay Nakpil, ay ang pagiging “masukista” na kung saan natututunan ng mga kababaihan ang magsaya sa pagdudusa at pagtitiis.

Ang mga di-kanais-nais na katangian ni Maria Clara ay natakpan ng kanyang pamaypay sa mahabang panahon.

Subalit sa kabila ng lahat, si Maria Clara ay dapat pa ring ituring na simbolo ng pagiging tunay na Filipina sapagkat ang kanyang mga mabubuting katangian ang naging dahilan upang ang mga Filipina ay maging Di-pangkaraniwan at katangi-tangi.

mariaNaririto naman ang ilang mga katangian ng modernong Filipina na sana ay mabago at hindi na maisalin pa sa mga susunod na henerasyon:

Maarte– kung dati’y pinaniniwalaan ang pagiging masinop sa sarili ng mga Filipina, ngayon naman ay nauuso ang puros kaartehan sa katawan. Hindi naman masama kung mag-ayos at pangalagaan ang sarili ngunit kung ang maglagay ng kolorete sa mukha na tila mukha ka ng clown ay ‘di maitatangging kaartehan lamang ito. Ang pagiging simple ay ang kagandahang tunay ng isang babae.

Pamigay- kung dati’y mukhang suman ang mga kababaihan dahil sa pagkakabalot, ngayon naman ay usong-uso ang two-piece swimsuits. Dagdagan mo pa ng mini-skirt na kulang na lang ay masilip na ang singit.

“Bitchesa”– hango sa salitang “bitch”. Siguro ay dala na rin ng modernisasyon, nauubliga ang mga kabataang babae na makipag-laro sa mga kalalakihan. Hindi larong tagu-taguan kung hindi kama-kamahan. Kung dati’y magdikit lamang ang kamay ng mga lalaki at babae ay kailangan na silang magpakasal, ngayon naman ay kahit magsiping na sa kama o magkaroon na ng anak ay hindi nila kailangang magpakasal.

“Feelingera”- hango sa salitang “feeling”. Pakiramdam niya ay isa siyang perpektong babae. Walang pores at walang peklat. Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong klaseng babae. Over-confident to the nth power, kumbaga.

Habang dumadaan ang panahon, nakalilimot na tayo sa ating pinagmulan. Mabilis tayong natatangay ng modernong panahon at tila wala na tayong magagawa kung hindi magpadala sa agos ng makasalanang sanlibutan.

Gayunpaman, naniniwala akong may iilan pa ring kababaihang nananatili ang respeto at tiwala sa sarili. Kaya naman, mabuhay ka! Ang tunay na babae ay walang kailangang patunayan sa ibang tao dahil sa kanyang katahimikan ay ang kidlat ng pagiging totoong Filipina- may disiplina at paninindigan.

 

Advertisements

24 thoughts on “Maria Clara – Noon at Ngayon

  1. totoo. Malaki na talaga ang pinagbago ng mga kababaihan ngayon. Dati Tahimik sila at mahinhin. ngayon, isa na sila sa magsisimula ng gulo.. naalala ko nung elementary ako, pag may bugbugan na nagaganap sa class room, umiiyak lang sila sa sulok. nung highschool ako, sila na yung lumilipad para makipag away..

    Like

  2. Sa panahon ngayon ay napakadaling samantalahin ng karamihang babae dahil sa hindi magandang kilos at pananamit. Hindi katulad noong unang panahon na ginagaya si Maria Clara ay talaga namang pag-uukulan mo ng paggalang ang mga babae dahil sa kanilang mayuming kilos at conserbatibong kasuutan. Mas gusto ko ang panahon ni Maria Clara. Dahil sa mga kaugalian at pananamit ng mga kababaihan ngayon ay maraming krimen ang nangyayari laban sa mga babae. Kaya sana naman, ibalik natin yong dating imahen ng mga kababaihan. Hindi naman lahat ay moderno na ang kaisipan, may mga sumusunod pa rin sa makalumang panuntunan ng mga kababaihan..Kaya lang mahirap na silang matagpuan.

    Like

  3. Nakakalungkot talagang isipin na nag iba na ang panahon ngayon. maraming kabataang babae ang naliligaw ng kanilang landas, nag papakalat-kalat sa gabi sa lansangan para kumita ng pera, sa maduming paraan. Mga babaeng kung manamit at napaka igsi na parang sila na ang humahamon na sila ay bastusin ng mga wala ding modong lalaki. Nakakagulat din yung ibang mga babae na galing probinsya pero kung kumilos at mag salita ay malala. Mangilan-ngilan nalang ang Maria Clara sa panahon ngayon. Kaya sana ay ituro at ipaalala natin sa mga kabataan ang ating nakagisnang kaugalian ng mga kababaihan.

    Like

  4. huh mron bang nkapanuod ng history ni lourd article ni rizal?,,,ung mga babae dw noon mas malala kesa ngaun?,,at that time 14 years old plang ngpapakasal na,,,,anyways,,good article sana mkarating to at mbasa ng mga kbataan ntin ngaun,,,like q toh

    Like

    1. Hanggang ngayon po 14 years old pa lang nagpapakasal na ang kabataan. Sa totoo lang, mas lumaki pa po sa ngayon ang porsyento ng kabataang ganito ang sitwasyon. Salamat po. 🙂

      Like

  5. Sobrang malaki ang pinag bago ng mga kababaihan unlike before…. dati kasi ang mga ama’t ina ay strikto’t strikta kaya halos dati walang pagala gala tuwing gabe ang mga babae pero ngayon sobra na….. kaya siguro maraming kababaihang ligaw na sa landas dahil din sa pamilya nila and that’s true……marame kasi akong kilalang ganyan….. imbis na pag bawalan sila ng magulang nila aba diyaming pa sila sa inuman……. pero ganun talaga ang life umiikot ang mundo at lahat ay nagbabago. thanks sa article.

    Like

  6. Ang mga kababaihang pilipina sumabay sa pagbabago na mayroon ang mundo kaya lang hindi maganda naging pagbabago. Totoo tong article na to!

    Like

  7. iba talaga ang mga kababaihan ngayon. ang iba kung saan saan na lang naliligawan. dati sa bahay talaga pwedeng ligawan.

    Like

  8. Sana ay maibalik ng mga kababaihan ang mala Maria Clarang pag-uugali at pagpapapahalaga sa kanilang mga sarili upang mabawasan ang pang-aabuso sa kanila ng mga walang matinong isip at mapagsamantalang kalalakihan. May anak din kasi akong babae at ayaw kong masasamantala din siya ng mga walang modong lalaki.

    Like

  9. Naghahanap ako actually ng mga informations na makakatulong para madepensahan ko yung mga kapwa ko babae sa kung bakit ganito na kami manamit ngayon (report ko) kaya napadpad ako dito. May point naman yung writer, na sumasabay kami sa agos ng modernong panahon. Ang nakakatang*na lang is yung ibang comment. 1st, natutong lumaban ang mga kababaihan at hindi nalang nanahimik sa isang tabi dahil sa mga mapang-abusong tao (mga lalaki most of the time) na ang tingin sa ‘min ay mga mahihinang nilalang na pwede lang nilang manduhan at pasunurin sa lahat ng gusto nila . 2nd, walang mari-rape kung walang rapist, wag nyo isisi sa’min kung mga abnormal kayo’t walang takot sa Diyos kaya nakakagawa kayo ng mga bagay na alam nyong masama para lang mailabas yang libog nyo. 3rd, ang palaging nasa isip ng tao pagprobinsyana (nakatira sa probisya malamang) ay ignorante, mahinhin’t kung anu-ano pa. Ano kami dito tapunan ng mga Maria Clara? Probinsya po tinitirhan ko pero hindi po kami palaging naka-saya. Yung modernisasyon, yung panahon (weather), iyon yung ilang sa mga factors na pwedeng pagbasihan. Kaya bago mag bigay ng comment, manigurado muna. Salamat.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s