TODAY'S TRIP

7 Signs na HINDI ka pa Nakaka-MOVE ON

123588_v0_460xTanggapin man natin o hindi, isa sa pinakamahirap na prosesong malas na pinagdaraanan ng magkarelasyon ay ang paghihiwalay sa malinaw at hindi malinaw na mga dahilan. Pero kung ano man ang mga ito, siguradong wala nang mas hihirap pa sa mga buwan o mga taon na nananatili pa rin sa isip mo si Ex.

Well, ayon sa istatistika, halos 87% ng naghihiwalay na magkasintahan ay nagiging magkaaway. Wala nang kibuan, magpaparinigan na, gagamit ng iba’t ibang taktika para mapalitaw ang pride na mayroon ang isa’t isa.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga posibleng signs na hindi ka pa nga talaga nakaka-move on.

  1. Assuming ka. Kahit hindi naman niya tinitingnan ang Twitter o Facebook account mo, iniisip mo pa rin na karamihan sa mga status o tweets niya ay tungkol sa’yo. Example nag-tweet siya ng “I love this life!” Iisipin mo na kaagad na masaya siya dahil wala na kayo. Though, puwede namang gano’n pero isipin mo rin sana na hindi lang sa’yo umikot ang mundo niya. Ay mali, hindi na pala sa’yo UMIIKOT ang mundo niya. So, huwag assuming.funny-memes-some-girls
  2. Ipo-folder muna kita. Lahat ng messages, chats, sweet photos, mga kanta at kung anu-ano pang pinagpapalitan niyo noon online ay naka-save pa sa isang folder sa harddrive ng laptop o e-mail account mo. Ang pangalan ng folder usually ay “Forgetting you” o di kaya “Bittersweet memories”. Nakakatawa man, ito ang mga pangalang puro tungkol sa pagkalimot pero hindi mo naman madelete-delete. Bakit kaya?Overly Attached Girlfriend Emails
  3. Hoping. Iniisip mo pa rin na binabasa ni ex ang mga tweets mo at Facebook status. Ang mga pinopost mo ay mga kanta tulad ng “Someday” ni Nina o di kaya “I love you, Goodbye”. Maaaring mag-vary ito kung kailan nakakaramdam ka ng lungkot. Either ise-share mo ‘yong youtube vid na nakita mo o ‘di kaya magtu-tweet ka ng isang quote na iniisip mong mapapansin pa rin niya, then iisipin mong matatauhan siya tapos makakatanggap ka ng text mula sa kanya. Asa.Me-after-a-break-up
  4. Blocked. Kailangan pa bang ipaliwanag? Kung okay na, bakit pa kailangang mahirapan kang makita ang profile niya sa Instagram, Facebook o Twitter? Tapos ano? Gagawa ka ng fake accounts para makapag-stalk ka pa rin.BLOCK-YOUR-EX-ON-FACEBOOK-THEN-CREATE-FAKE-PROFILE-TO-SPY-ON-HIM-672.png
  5. Stalker much. Pero aminin mo man o hindi, ‘pag tiningan yung history sa internet browser mo, nandoon pa rin ‘yong Facebook, Instagram o Twitter page niya. Isa o dalawang beses sa isang linggo, tinitingnan mo kung kumusta na siya. Kumusta kung may iba na siya o kung naka-move on na ba siya.Your-Move-When-You-Check-Out-Your-Ex--s-Profile-Funny-Meme-Picture
  6. I need you, friends. Dahil sinaktan ka o ikaw ang nang-argabyado, kailangan mo pa rin ng mga kaibigan na makaka-chat o masasabihan kung gaano ka-hayop ang ex mo. Siyempre, dahil totoo siyang kaibigan, ang masasabi niya na lang ay “Oo nga, mamatay na sana siya. You don’t deserve him/her!”. Dito maglalabasan ang mga negative comments ng mga friends mo na kinimkim nilang hindi sabihin sa’yo noong kayo pa ng ex mo para hindi ka ma-hurt.nAim4
  7. Bitter. Hindi ka masaya sa kaligayahang mayroon siya ngayon. Para sa’yo halimaw siya. Kapag nabanggit pangalan niya, sinasabi mo pa rin “Please don’t say bad words!” Hindi mo matanggap na ang minsang matamis ay naging mapait din, katulad ng ipinakikita mong ugali ngayon.Break-Up_o_92312

Marami pang hindi nakalista, pero kung isa o dalawa na lang dito ang natitira sa’yong signs, binabati kita! Nakakamove-on ka na. Kung marami-rami pa, naku! Mahaba-haba pang biyahe ‘yan pero sa bandang huli, walang TOTOONG tutulong sa’yo kung hindi ang sarili mo. Swear.

Ano man ang dahilan ng hiwalayan, lahat ‘yan ay may malalim na dahilan. Pagtanggap na mayroon ka ring buhay bago siya dumating. Pagtanggap na ano man ang mangyari, kasaysayan na lang kayo at natuto kayo sa bawat isa. Hindi na kailangang magkasakitan pa. Ang importante ay hinihiling mo pa rin ang kabutihan ng buhay niya at karma na rin para sure.

Aminin mo man o hindi, naging mundo mo rin siya noon. Kinabaliwan mo rin siya.

Iba-iba ang bawat relasyon, iba-iba ang bawat pagsisimula at pagtatapos. Kung natapos na, tanggapin, matuto at mabuhay muli.

Kawawa ka naman kung siya, totoong maligaya na pero ikaw umaasa pa rin na babalikan niya.

Advertisements

17 thoughts on “7 Signs na HINDI ka pa Nakaka-MOVE ON

  1. Totoo ang mga ito lalo na sa panahon ng internet at social media, inilalabas ng isang tao lalo na sa nagkahiwalay na magkatipan ang nararamdaman gamit ang internet. MAdali kasi makakuha ng reaction o simpatya sa mga ito. Pero ang mahalaga move on na, dahil king hindi eh di mag-on na lang kayo uli.

    Like

  2. Yes, there’s a lot more that is not listed here, but we all know those anyway.. These people will even argue with you, saying that they already moved-on then later asks you “why is my ex looking at me?” with a follow-up statement “maybe he/she still loves me?”. *sigh~ The 5th sign STALKER MUCH is 100% accurate. some people even use their friend’s phone to text their ex.. hmmf..

    Like

  3. Naging bitter din ako at umasa pang babalikan nya ako.
    Mahirap talaga maka move-on lalo na at sobrang minahal mo ang isang tao at pinahalagahan mo sya.. madaling sabihin na hindi mo na sya mahal pero iba naman yung sinasabi ng isip at ng puso mo… Pero malalampasan mo din ang mga yan,sa tulong mo din at ng iba pang taong mahalaga sa iyo na nandyan lang sa tabi mo.
    Sabi nga nila move-on, move-on din pag may time!

    Like

  4. Isa pang sign sa akin noon: Sa imbes na matawa ako sa rom-com na ‘Forgetting Sarah Marshall’ e nalulungkot ako dahil naaalala ko ang ex ko. Haha!

    Nice list, lalo na para sa henerasyon ng social media at internet. Hehe.

    Like

  5. Kung tutuusin, totoo man ang mga nakasaad dtyio., Yun nga lang, dahil wala akong sariling PC, di uso sa akin ang ipa-folder. LOL!

    Saka yung pang-anim din pala ay sa kabutyiuhang palad, ay hindi applicable rin sa akin. Dahil nabi-biwsit lang ako pag ang usapan ay lovelife.

    Like

  6. Yung tipong kunyari wala ka ng pakialam sa kanya at ayaw mo ng may marinig tungkol sa kanya, ia-unfrienf sa fb eerase ang cp # pero gagamit ng ibang account para maka update pa din kung kamusta na sya? Tapos magagalit kapag nalamang meron na syang bagong mahal. #Bitter

    Like

  7. I have a friend who’s still asking about his ex-girl friend after admitting that he ruined her life. I thought moving-on is only for the ones who got hurt..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s