An Open Letter to the Youth

Dear Mga Kabataan,

Una sa lahat, malapit na ang kaarawan ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal. Paniguradong maraming mga aktibidad ang nakahanay gawin bilang selebrasyon sa importanteng araw na ito. May napili ka na bang puntahan kahit isa sa mga ito? O baka naman, isa ka sa mga busy sa pagpila ng pagkahaba-haba mabili lang ang ticket ng One Direction para sa concert nila next year?

1dSa totoo lang, hindi na kasing sidhi ang pagkakakilala ko kay Rizal ngayon ‘di tulad ng kabataan ko. Siguro dahil hindi na ako required alamin ang makulay niyang buhay. Pero hindi ibig sabihin nito na kinalimutan ko na ang pagiging henyo niya at ang mga bagay na ginawa niya para sa bayan. Hindi ko rin alam kung patuloy pa rin ang pagtuturo ng ating mga guro tungkol sa mga ideolohiya ni Rizal.

Gayunpaman, gusto kong sariwain ang isa sa mga kaisipang ibinibahagi niya sa atin; “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” o sa Ingles, “The Youth is the Hope of our Nation.”

filipino flag1(Photo credits: theusualBS)

Sa totoo lang, napakahirap paniwalaan nito habang nakikita namin kung paano kayo binabago ng panahon; Kung paano kayo binubulag ng kasinungalingang hatid ng mundo; Kung paano kayo nagpapakahumaling sa mga walang kabuluhang bagay.

Kung tutuusin, ‘di hamak na mas abot kamay niyo na ngayon ang tagumpay at pagbabago sa estado ng bansa. Ngunit bakit ganoon? Tila habang tumatagal ay mas lalong nagiging malabo na para sa Pilipinas na umunlad.

Sana imbis na paglalaro ng Pou ang agad niyon inaatupag pagkagising araw-araw, sana ay asikasuhin niyo muna ang pag-aaral ninyo. Bago kayo mag-cutting classes ay maisip niyo rin muna ang mga kabataang napagkaitan na magkaroon ng pribelehiyong makapag-aral.

Sana lang din, nagagamit niyo ang katalinuhan niyo hindi lamang sa paga-analyze kung sino ang susunod na mamamatay sa Shingeki Kyogin o Game of Thrones kung hindi pati na rin kung anong nilalaman ng mga balita ngayon.

Sana imbis na mga manga comics ang inaatupag niyong tapusin, sana kahit isang tabloid lang ay sipaging kayong basahin. Sana kung paano niyo iniidolo sila Justin Bieber at KathNiel ay gayundin kasidhi ang kagustuhan niyong mapag-aralan at matuto ukol sa buhay ng mga taong may naging pakahulugan ang buhay ‘di lamang para sa sarili niya kung hindi pati na rin sa ibang tao.

Sana rin ay bawas-bawasan niyo ang mga kalandian ninyo at pabugso-bugsong pagdedesisyon. Huwag sana kayong lumaking mayayabang at walang galang sa mga magulang ninyo.

Sana kung gaano kayo ka-updated sa buhay ng One Direction ay gayundin sa kaalaman niyo sa kaganapan sa inyong bansang sinilangan.

1daHanggang kailan kami maghihintay sa inyo bago niyo pa maunawaan kung anong klaseng mundo ang inyong iniikutan ngayon? Sumablay na ang ilang henerasyon ng mga dati’y kabataan. Kung hindi man sa amin nagsimula ang pagbabago, sana ay umpisahan na ninyo.

Gayunpaman, alam kong ang inyong mga magulang ay may malaking impluwensiya sa inyong pagkatao. Sila ang nagturo sa inyo ng tama o mali at ng bawal o maaring gawin. Gayundin ay naaapektuhan din kayo ng kung anong idinidikta ng media at globalisasyon.

Sa kabila ng lahat, matuto sana ninyong gamitin ang mga utak ninyo at huwag basta-basta magpadikta sa mga nauuso para lang maging-in.

Bakit hindi mo subukan maging iba? Subukan mong maging mas higit sa kung sino ka ngayon at subukan mo ring mas kilalanin ang iyong pagkatao sa tulong ng mga kaalaman patungkol sa bayan.

Imbis na ka-dramahan sa puso at galit sa ibang tao ang ini-status mo, umpisahan mo ang pagbabago sa pagpo-post ng mga makabuluhang bagay sa Facebook wall mo. Hindi mo alam, baka magsilbi ka pang inspirasyon para sa iba. Umpisahan mo sa pagkahumaling magbasa ng mga librong may kabuluhan. Umpisahan mong tingnan at pakinggan ang nasa iyong paligid. Umpisahan mo ang pagbabago dahil walang ibang gagawa nito kung hindi ikaw at ng iba pang kabataan.

Sa huli, kayo pa rin ang bagong henerasyon. Ang binhi na balang-araw ay magbubunga ng ikapagpapabago sa bansa-mabuti man o masama. Kayo ang pag-asa ng bayan at ang ano mang pagbabago sa ating bansa ay maaaring ipagpasalamat o isisi sa inyo.

Ipagpaumanhin ninyo kung nagkaroon kayo ng ganitong obligasyon simula ng ipinganak kayo. At pasensiya na rin dahil wala na kayong magagawa kung hindi yakapin ang katotohanang ito.

Tanong ko lang, anong balita ang alam mong nangyayari sa Pilipinas ngayon?

P.S. Maligayang Kaarawan sa ating Pambansang Bayani!

RIZALTRI_BAYANI1(Photo credits: pilosopotassium.blogspot.com)

Nagmamahal,

Sining

Advertisements

23 thoughts on “An Open Letter to the Youth”

  1. Hindi na maiiwasan ang modernisasyon sa lipunang ating ginagalawan ngayon. Kailangan na lang na maging matibay ang pundasyon ng mga bata sa kung ano ang nararapat kagaya ng sinabi mo sa blog na ito Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil marami man ang gumagawa ng hindi tama ay mayroon pa ring nagsisiskap na gawin yong tama. Kaya lang mahirap mabago ang galaw ng lipunan tungo sa ikabubuti kung mas marami ang gumagawa ng mali kaysa gumagawa ng tama. Sang-ayon ako sa panawagan mo sa mga kabataan na pagtuunan ng pansin at panahon ang mga bagay na makakatulong at makakabuti sa kanila at isantabi ang mga bagay na walang saysay para sa hinaharap ay maging maganda at progresibo ang kanilang buhay. Hindi kasi maiiwasan na sa ating pagtanda, ang mga kabataan ang papalit sa ating mga kinatatayuan. Tungkulin ng mga nakatatanda ngayon na hubugin ang kinabukasan ng mga kabataan.

    Like

  2. Parang wala nang impluwensiya si Jose Rizal sa ating lipunan ngayon. Siguro ang dahilan ay sa Piso siya nakalagay. Hindi na pinapansin ng mga tao ang piso ngayon. Sana ilipat ang mukha ni Jose Rizal sa Isang Libong Piso para lagi siyang maaalala ng mga tao at nang sa gayon ay kasama namang maalala ang kanyang mga ideolohiya. Mga kabataan, tama ang panawagan sa blog na ito na gawin natin yong mga bagay na makabuluhan para maging maayos ang ating kinabukasan.

    Like

  3. Maligayang kaarawan sa ating Pambansang Bayani. Sa totoo lang naaalala na lang natin si Doktor Jose Rizal tuwing kaarawan niya at araw ng kamatayan nya,sapagkat ibang iba na ang panahon ngayon. Tila bihira na ding ituro at ipaalala sa ibang eskwelahan ang mga kabayanihang ginawa ni Dr. Jose Rizal.
    Simulan natin ang pag tuturo at pag papakilala sa ating mga bayani sa loob ng ating tahanan. Makakatulong din tayong mas nakatatanda para ipaalala sa kabataan na sila ang pag asa ng ating bayan. Ipakita din nating matatanda na tayo ay magandang ihemplo sa kabataan. Nagkakamali tayo pero kaya nating magbago.Ipakita natin sa kabataan ang kahalagahan at ang mga nagawa ni Dr Rizal sa ating bayan.

    Like

  4. Ang masasabi ko lang sa lahat ng kabataan na dapat pang hawakan ng lahat ay ang katagang “Ang hindi mag mahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”

    Like

  5. Napakaganda ng iyong Liham para sa kabataan. Sana ito ay magsilbing daan para makita ng ibang kabataan kung ano na ang ating kalagayan. Maraming salamat sayong liham.

    Like

  6. dapat ay hindi makalimutan ng mga kabataan ngayon kung gaano kahalaga s atin si dr jose rizal at kung ano ang ginawa nya para s ating bansa kahit s piso man sya nkalagay mahalaga pa din sya ksi hindi mabubuo ang 1 milyon kung kulang ng piso kya importante si dr jose rizal s ating mga filipino.

    Like

  7. mas inuuna pa nila yung 1D nayan kesa emportanteng mga bagay. mga kabataan nga naman. asan na ang sinasabing edukasyon? wala na. pinambili na ng ticket! maganda po yuung post mo , sana maraming kabataan ang makabasa nito

    Like

  8. Naalala ko tuloy yung napanood kong feature ni Lourd de Vera kung saan ang mga maliliit na detalye sa buhay ni Rizal e hindi na alam ng mga tao ngayon. Ito e tungkol sa mga taong nakatira sa Sampaloc, kung saan maraming pangalan ng mga kalye e mula sa detalye ng buhay ni Rizal. Iniisip ko kung meron pang saysay sa kabataan ngayon si Rizal o kung sinumang mga bayani.

    Like

  9. Well, well, well. Malungkot man isipin pero lubha tayong nasasakop ng banyagang kaisipan. Ang importante eh hindi naman natin nakakalimutan ang ating sariling bayan lalo na si Gat Jose Rizal.

    Like

  10. Totoo naman na kabataan ang pag-asa ng bayan eh. Siraulo lang talaga ang modenrong lipunang ginagalawan natin. Imbes na ipamukha sa mga bata ngayon ang mga bagay na nagpapaala ng kanilang pagka-Pilipino, ay teleserye, kalandian at ang pagseselfie ang pinapairal nila na mdapat ipamalas ng bawat kabataan sa ngayon. Pasensya kung generalization tong sinabi ko (pero sa mga matatamaan ko: T****’** who cares?!) but that’s a piece of harsh reality for you.

    Like

  11. Napakaganda ng iyong panulat. Hindi ko rin masyado maintindihan ang mga kabatan ngayon kung bakit kinababaliwan nila ang one direction at ang iba pang mga manganganta na galing sa ibang bansa. Malaking halaga ang kanilang ginagastos para sa ticket para makapanood lamang ng ilang oras. Bakit hindi na lang kaya sila bumili ng cd or panoorin sa youtube ang mga dating concert na iyon din naman ang kanta? Kung sa akin lang ay sayang ang pera dahil mas magagamit nila ito sa mas makabuluhang bagay, o kaya ipunin na lang or i-invest.

    Like

  12. Tama lahat iyong sinabi. nawawala na ang pagkapilipino natin dahil sa makabagong teknolohiya at ginagaya ang bansang banyaga. Napakagandang artikulong ito, sana mabasa ito ng mga pilipinong kabataan.

    Like

  13. I can relate to this article. Yung mga nakababata kong kapatid, they know a few details about Rizal. In fact, they are not interested with him. How sad, youth are being shadowed now by new technology, not deserving artists and all other stuff. :/

    Like

  14. sa tingin ko lang, kaya ganyan ang tingin ng mga kabataan ngayon sa ating pambansang bayani dahil sa modernisasyon, maliit na exposure at pagpapahalaga sa ating kasaysayan. hindi ko sinasabing walang ginagawa ang mga nagpopromote sa ating history, heritage at sa culture natin, sadya lang na mahina ang exposure neto, kahit meron na tayong makabagong means para ipromote ito tulad ng social media. kung meron lang sanang way para palakasin ang promotion sa ating kultura at heritage, ppwede pang ibalik ito.

    Like

  15. Halos ganito din ang sinulat ko dalawangpung limang taon ng nakakalipas, nuong 15 years old ako. Wala pang blog nun pero may notebook akong sulatan ng mga tula at mga essays ko. Nuong 4th year college ako nung time na din na inaaral ko ang Works of Rizal at halos maperfect ko lahat ng quizzes kaya nga 1.25 ako nuon.

    Pero kung iisipin mo, parehas din naman nung kabataan namin, Kung One Direction ngayon, Menudo kami nuon. KUng FB at text ngayon, love letters nuon. Isa rin ako sa mga nag cutting classes, at isa din ako sa nagpa straight ng buhok at bumili ng Cinderella at sketchers na tshirt para maging in. Isa rin ako sa mga kabataang hindi umuwi sa bahay kakanuod ng concert ng Eraser Heads at After Image sa gym.Isa rin akong maagang nagkaboyfriend sa edad na labinglima.

    Pero isa rin ako talagang idealistang kabataan na naghanap ng perpektong trabaho pagkatapos ng Kolehiyo, naghanap ng perpektong mundo. Isinisi sa lipunan ang kahirapan, isinisi sa gobyerno ang lahat ng kamalasan. Hindi patas ang mundo sabi ko.

    Makalipas ang labinglimang taon, natanggap ko na na hindi talaga patas ang mundo, natutong makipag laro sa buhay, at natutong mapanitli ang katinuan sa mala-kagubatang ginagalawan ko.

    Natutong makibagay at tanggapin na nagbabago ang mundo. Ang klase ng pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko ay hindi na aayon sa mga kabataan ngayon. Sa palagay ko, tayong nakakatanda ang dapat ‘mag-adapt’ para hubugin ang kabataan. Hindi na natin sila mapipilit gumamit ng libro para magbasa tungkol sa history o patungkol kay Rizal, maaring gumamit tayo ng ‘apps’ para ituro eto.

    Like

    1. Yes! At isa pa ‘yong problema sa atin. Nakakulong tayo sa ideya na ang mga kabataan ay bata lang na dapat sumunod sa lahat ng sinasabi ng magulang. Hindi nauunawan ng ibang mga magulang na dapat makipag-meet halfway sila sa mga kabataan ngayon dahil hindi na nila mapapasunod ang mga batang ito tulad sa paraang kinalakihan nila. Hindi na sapat ang palo at pangga-grounded. Sana maunawaan din ‘yon ng mga magulang-nasa bagong henerasyon na tayo.

      Like

  16. NIce article!
    panggising ito sa mga kabataang parang wala ng alam kundi mag laro ng mga computer games , pag fb, twitter, insta, at maraming pang iba na social media sites .Lalo na ang iba ay ang pag iidolo ng mga ibang tao na tipong habol ng habol at nakklimutan na ang sarili!!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s