ROAD TRIP

Kapangyarihan at Pera, Gobyerno at Pulitika

Margie, nag-resign! Roxas, itinuturong dahilan?

Si Margarita Juico ay nag-resign na sa kanyang posisyon bilang Chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong ika-8 ng Mayo 2014.

Lumabas ang ilang kuro-kuro sa dahilan ng kanyang pagbitiw. Gayunpaman, ayon mismo kay Margie, “I resigned because I am already 65. I turned 65 last month and usually in government that’s the retirement age. It’s just that lately I’ve really been feeling tired and my children has been telling me ‘Mom, it’s time you relax because you’ve been working all this time.’” Personal na dahilan lamang ang lahat at wala ng iba pa. Minabuti na rin niyang mag-resign bago pa man ilipat ang opisina ng PCSO na ngayon ay nasa Philippine International Convention Center (PICC) patungo sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

 

marji1

 

Para sa isang taong naglilingkod sa bayan sa loob ng apat na taong pagiging chairman ng PCSO, labing-anim na taong pagiging Social Secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino at labing-pitong taong pagiging board member ng PCSO, hindi kapani-paniwala ang dahilang ito na kanyang ibinigay.

Kaya naman, hindi natigil dito ang pag-uusisa ng ­media sa kung ano ang tunay na pinagmulan ng desisyong ito. Mayroong mga nagsasabi na ang pagre-resign na ito ni Margie ay may kaugnayan sa insedente sa Wack-Wack Golf and Country Club noong nakaraang buwan na kinasangkutan ni DILG Secretary, Mar Roxas at Philip Juico, asawa ni Margie. Basahin: HIRIT NA!: “Boy Mura”, http://www.abante.com.ph/op/item/3622-hirit-na-boy-mura.html

marjimarji2

Gayunpaman, tinukoy ni Margie na naisaayos na daw ang usapin tungkol dito.

Nabanggit naman niya na nagkaroon siya ng ilang problema nang dumating ang mga abogado ng DILG sa kanilang opisina at may mga hinahanap na dokumento patungkol sa “Bingo Milyonaryo” at iba pang mga palaro ng PCSO.

“Sinabi ko kay Secretary Mar na hindi mo siguro gugustuhin ‘yon na mangyari sa opisina mo. ‘Yon na may pupuntang mga halimbawang tao doon na ibang ahensya na para mag iimbestiga ng ganyan ng hindi mo nalalaman.” sabi ni Juico.

Matapos ang nasabing insedenteng ito ay nakapagusap na sila Roxas at Juico at nilinaw ang dapat ay “office protocol”.

 

Sangay-sangay na Issue

Nakaagaw ng atensiyon ang artikulo sa Philippine Daily Inquirer nitong Mayo 15, 2014: LPs overcome ‘kamag-anak’ in PCSO power play.

Kung tama ang aking pagkakaintindi sa pakahulugan nito, Ito ay ang pamamayagpag ng Liberal Party sa PCSO upang mas paigtingin ang kapangyarihan at impluwensiya ng ilang tao o kamag-anak. Nakatatawang isipin na tila inuumpisan na ni Mar Roxas ang pagpapabango sa kanyang pangalan. Ang nakikitang dahilan nito ay ang kanyang plano na tumakbo sa darating na eleksiyon sa 2016. Si Mar Roxas, lider ng Liberal Party, ay ang sinasabing matunog na makakalaban ni Jejomar Binay sa pagka-pangulo.

Ito lang ang maaaring dahilan kung kaya tila gustong panghawakan na ng Liberal Party ang isa sa tinaguriang cash cow na sangay ng pamahalaan — Ang PCSO.

“Any group interested in capturing the presidency in 2016 will really salivate and will do everything to control the PCSO this early,” sabi ni Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna.
Kaya naman, hindi na nakagugulat ang biglaang pagre-resign ni Juico at ang biglaang paglitaw ng pangalan ni Roxas kaugnay dito.

Napakadaming binanggit na tao ng artikulo na kung tutuusin ay wala namang saysay. Misleading kumbaga.

Ang tanging malinaw lamang sa lahat ng ito ay kung paano ang pulitika at pera ay magtrabaho. At para sabihin ko sayo Mar Roxas hindi ka mananalo bilang presidente kahit magbayad ka pa ng magbayad ng Vios at 1 milyon sa lahat ng news writer! Oops, natamaan ka ba Gil Cabacungan?

marroxas
Huwag naman gawing mangmang ang mga Pilipino!

Halatang-halata naman ang bahid pulitika sa isyung ito. Kitang kita ang pamamayagpag ng personal na ambisyon sa pangyayaring ito. Malinaw na malinaw din ang mga pamamaraang ginagamit upang ma-kontrol ang PCSO.

 

Advertisements

20 thoughts on “Kapangyarihan at Pera, Gobyerno at Pulitika

  1. Hindi namin kailangan ng opinyon mo Mar Roxas sa totousin wala kapa naman nagagawang maganda dito sa bansa naten eh…….. halos lahat ng tayo naghihirtap paren……at bago ka mang husga ng kapwa mo tignan mo muna yung sarili mo baka may nakadikit na diyan na pera sa nuo mo…………. kung sino pa may magandang naitutulong yun pa ang ginagawan ng issue at sinisira sa bayan….pare parehas lang kayo nila gloria mga may bulsa sa balat.

    Like

  2. Hindi namin kailangan ng opinyon mo Mar Roxas sa totoosin wala kapa naman nagagawang maganda dito sa bansa naten eh…….. halos lahat ng tao naghihirap paren……at bago ka mang husga ng kapwa mo tignan mo muna yung sarili mo baka may nakadikit na diyan na pera sa nuo mo…………. kung sino pa may magandang naitutulong yun pa ang ginagawan ng issue at sinisira sa bayan….pare parehas lang kayo nila gloria mga may bulsa sa balat.

    Like

  3. Grabe talaga ang mga taong tumatakbo sa pagpopolitiko .. para lang umangat at para lang mapanisn gagawin ang lahat .. For sure Korakot nanaman yan. Hinding hindi ka mananalo mar roxas.

    Like

  4. Mag eeleksiyon na kasi, kaya yong mga ambisyoso sa gobyerno ay pumu-posisyon na sa lugar kung saan marami ang pera(PCSO yan). Kahit yong matino ang pamumuno ini echa pwera at kinukontra(si Margie Juico). Mar Roxas, di ka nababagay sa Malacañang, kaya nga sumikat ka sa pagiging Mr. Palengke kasi pang palengke ka lang talaga. Baka pag nasa palengke ka, ang mga bilihin ay mag-mura kasi magaling ka magmura di ba? (nasa YOU TUBE pa). Margie Juico..Mabuhay ka! #NoToMaRoxas #PCSONews #MrPalengkero

    Like

  5. Woah!! Mr. DILG Secretary, Mar Roxas. What do you think you’re doing? If you want your name to be good, there lots of ways, but not through PCSO, Did you ever think that Filipinos we’re idiots not to see what you’re really trying to do. If ever you run for the presidency in 2016 you won’t get my vote. #NoToMaRoxas #PCSONews #MrPalengkero

    Like

  6. Mar Roxas is scum of the Philippine Government! Ugh! Who the hell does he think he is! He’s not even comparable to Robredo because he’s so darn useless! >< HE SHOULD RESIGN!

    Like

    1. I think you should start knowing these politicians as early as now so you won’t be confused come 2016. However, if this isn’t enough for you to dislike Roxas yet, I’m sure he will make more blunders in the next two years.

      Like

  7. I’ve not been following politics for a while now. Sad naman if it’s true. Sana there will be still politicians who are sincere in serving the country. P-noy is not perfect. But I see where he wants our country to be. And I am seeing results. With Mar Roxas, I don’t know. Dati ko pa rin syang hindi gusto. Sana may magsurface na mas qualified and competent to hold the presidency come 2016.

    Like

    1. I am hoping for the same thing. Sana may lumitaw na pangalan na karapat-dapat sa posisyon. Iyong totoong makakatunggali ni Binay sa puwesto dahil may dangal. Pnoy could be a great leader kung hindi nadidiktahan ni Mar Roxas (if you get what i mean. 🙂 Thank you for leaving a comment.

      Like

  8. Hindi ko na nasusundan ang mga nangyayari sa ating gobyerno kaya’t hindi ko alam ang mga gawain ni Mar Roxas. Ang naaalala ko e bago ako umalis ng bansa e wala syang ginagawa, matapos nyang bumulusok sa kasikatan at umangat sa eleksyon sa senado. Topnotcher nga ba sya nun? Tapos, ganito pa pala. Tsk.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s