Tips Para Hindi Maging Assuming

          assuming

      “Thou shalt not assume.” Kung may 10 commandments din sana ang pag-ibig, malamang kasama na sa utos ang ‘wag maging assuming. Minsan kasi, hindi naman talaga paasa ang taong nagugustuhan mo, madalas ay assuming ka lang talaga.

 

Ewan ko ba kung bakit ang hilig-hilig nating mag-assume, partikular na ang mga kababaihan. Nag-“Hi!” lang sa’yo ang isang lalaki, iniisip mo, type ka niya agad. Nagkatinginan lang kayo, feeling mo may something na. Nagtanong lang siya sa’yo kung kumain ka na ba, pakiramdam mo, super concerned siya sa kalusugan mo. Nakasabay mo lang siya pauwi, iniisip mo na agad na liligawan ka niya. Sinabihan ka lang niya ng ingat, feeling mo mahal ka na. Porke ba nag-text siya ng wala lang, miss ka na agad?

 

Hay buhay nga naman, oo! Hilig talaga nating magbigay ng kulay sa mga bagay-bagay. Eh paano kung para sa kanya kaya lang siya nag-hi sa’yo ay dahil nakasalubong ka lang sa daan? Paano kung katabi mo pala ang tinitignan niya? Paano kung gusto ka lang niyang paalisin sa mesa dahil siya naman ang kakain? Paano kung parehas lang kayo ng terminal kaya nakisabay siya? Paano kung alam lang niya talagang tanga ka kaya sinabihan ka niyang mag-ingat? Eh, paano kung wala talaga siyang maisip kaya ganu’n lang ang reply niya? Ang layo sa iniisip mo ‘di ba? Ang colorful talaga. Kulang na lang maging dictionary ka sa kabibigay mo ng meaning sa lahat ng kilos ni kuya o kahit ng ibang tao.

 

Kaya nga sa totoo lang, may ilang mga lalaki o babae na hirap na hirap kumilos. Kaunting galaw lang, ang dami ng kahulugan agad ang naiisip ng mga nagkakagusto sa kanila. Tandaan na iba-iba tayo ng pananaw sa mga bagay-bagay. Maaaring ang sweet para sa’yo ay normal lang para sa kanya. Gayundin na, ayaw nilang mawala ang friendship. Pero sa totoo lang, hindi rin ako naniniwala sa pangalawa kong tinuran na ayaw mawala ng friendship.

 

Aminin mo man o hindi, lahat tayo ay assuming. Hindi ka naman talaga masasaktan kung hindi ka nag-assume in the first place. Naaalala ko tuloy ‘yung crush ko nu’ng high school na itatago na lang natin sa pangalang Tom. Actually, ‘yun talaga ang codename ko sa kanya dati kasi noong mga panahong ‘yun, eh, hawig siya ni Tom Felton na gumanap na Draco Malfoy sa Harry Potter films. ‘Yun nga, sa pagkakatanda ko, lagi kaming nagkakasalubungan ng tingin, lagi niya akong inaasar at tuwing may quiz, lagi rin siyang nagtatanong ng sagot. Dumating din sa time na nagkatabi kami sa upuan at tuwing vacant, lagi kaming naglalaro ng tic-tac-toe. Lagi rin kaming nagkukwentuhan at madalas niyang dinadala ang mga gamit ko kapag pinakikisuyo ko. Tandang-tanda ko, lagi kong sinusulat sa calendar ng cellphone ko ang mga kilig-moments ko okay Tom. Nag-assume ako na the feeling is mutual kahit na hindi naman kami magka-text.

 

Hanggang sa dumating ‘yung Senior year namin, nalaman kong hindi pala ako ang type niya kundi isa sa mga kaibigan ko.

Ay Shocks, laslas na, dre! ‘Yan tayo, eh! Kaya marami ang nabo-brokenhearted dahil sa pagiging assuming. Kung hindi ako nag-assume na may gusto siya sa akin, sa palagay ninyo kaya hindi ako masasaktan nang malaman kong kaibigan ko pala ang gusto niya?

Oo, mahirap pigilan ang pagiging assuming dahil mahirap naman ang maging manhid. Pero para hindi ka masaktan o para maiwasan mo ang pagiging assumero o assumera, heto ang ilang suhestiyon na makatutulong sa’yo:

 

1. Dugtungan game. Hindi ito laro, seryosohin mo pero masayang gawin. Simple lang naman, lahat ng bibitiwan niyang sweet messages o words ay dudugtungan mo lamang ng ‘as a friend o dahil kaibigan mo ako.’ Halimbawa, sinabi niya na, “Ang bait mo talaga, ikaw na!” Dugtungan mo ng, “Siyempre, dahil kaibigan mo ako.” Kapag sinabi niyang, “gusto kita,” dugtungan mo, “as a friend.” ‘Yun lang, halimbawang ito pa lang kausap mo, eh, pa-fall at binigyan ka ng banat, tandaan na hindi ito applicable sa mga ‘yun. Baka mamaya nagtanong siya ng, “kutsara ka ba?” tapos ang sagot mo, “dahil kaibigan mo ako” o kaya naman “crayons ka ba?” at ang sagot mo ay “as a friend.” Ha-ha-ha!

 

2. Mag-aral. Naku, kung estudyante ka, ‘di ba dapat ang focus mo ay nasa pag-aaral? Oo, naman masarap pumasok sa iskul kapag may kalukadidang pero minsan, nakasisira ito sa pag-aaral. Okey sana kung inspirasyon mo lang si ate o si kuya pero kung nagagawa na niyang kainin ang oras mo na dapat ay laan sa pag-aaral mo, babagsak ka sa dalawang bagay: sa asignatura at sa sahig.

 

3. Huwag gawing BFF ang ka-opposite sex kung hindi mo kaya. Naniniwala naman ako na maaaring maging mag-bespren ang lalaki at babae dahil sa totoo lang, marami akong kaibigang lalaki kesa sa mga babae. Mas masarap kasi sila kasama. Anyway, by the way, highway, kung alam mong hindi mo kayang kontrolin ang ma-fall at mag-assume sa ka-opposite sex mo, please lang, huwag ka nang mag-try. Sama ka na lang dun sa alam mong hindi mahuhulog sa’yo at ganu’n ka rin.

 

4. Mag-assume. Oo nga, sinabi ngang ‘wag mag-assume pero kung mag-a-assume ka rin lang, eh, i-assume mo na ‘yung kabaligtaran. Kung nakita mong nakatingin siya sa iyong direksiyon, imbes na isipin mong may crush siya sa’yo, isipin mong type niya ang katabi mo. Eh, paano pala kung wala kang katabi? Isipin mo na lang banlag siya. Hahaha!

 

5. Maging lohikal. Subukan mong titigan ang mga bagay-bagay sa pananaw ng iba. Hingang-malalim at mag-isip muna. Kung halimbawang lagi mo siyang kasama sa paggagala, hindi naman ibig sabihin nito ay gusto ka niya. Madalas, hindi lang talaga siya maka-hindi sa’yo para hindi ka ma-disappoint. ‘Yun na ‘yun!

 

6. Magtanong. Sa lahat ng mga payo, ito talaga ang pinakauna mong dapat gawin. Walang masama sa pagtatanong at walang namamatay sa pagtatanong. Kung mahina ang iyong loob na tanungin siya kung ano ka ba para sa kanya, hindi ka na makaaalis d’yan sa sitwasyon mo. Oo, masakit ang ma-reject pero mas masakit kung maririnig mo pa ang rejection galing sa iba. Kaya ano pa ang hinihintay mo, ang paglapit ng buwan sa araw? Tanong na, bilis! Bottomline: Thou shalt not assume. Makiramdam ka kung ano ba talaga ang turing niya o sino ka sa buhay niya. Kung hindi mo kaya makiramdam, magtanong ka. Oo, may mga lalaki o babaeng nagpaparamdam talaga na gusto ka nila pero mas marami sa kanila ang ipinanganak na best actor o actress kahit na ang mukha nila ay wanted. In short, ‘yun iba, ugali lang nila ‘yun. Sabi nga, “just being nice.”

 

O, akala mo may susunod pa? ‘Wag kang assuming. Hehehe!

 

Emotionally attached ka ba? Try mo tong ‘Tips para hindi maging emotionally attached

https://magingalagadngsining.wordpress.com/2016/02/19/tips-para-hindi-maging-emotionally-attached/

Advertisements

44 thoughts on “Tips Para Hindi Maging Assuming”

  1. Mahirap naman kasi at masakit mag assume diba? Siguro mas maganda deadma kana lang sa kanya as long as hindi ka nya lalapitan at kakausapin ng personal at ipagtatapat sayo ang nararamdaman niya. Mahirap ng mapahiya diba?

    Like

  2. Mahirap talaga ang mag assume sa mga bagay bagay at pangyayari sa paligid lalo na sa mga taong nakakasalamuha natin. Kasi marami ang nagiging dis appointed in the end because of wrong assumption. Sa halip na maging assuming maging assuring na lang tayo. Siguruhin ang isang bagay bago gumawa ng palagay Salamat sa mga tips mo.

    Like

  3. Hehehe sobrang tinamaan ako dito sa article na to! ! ! i love it
    pero hindi naman talaga mawawala sa atina ang pagiging assuming sa isang tao minsan pa nga bitter na ang kakalabasan sa sobrang assuming hehe well thank you sa article na ito.

    Like

  4. Don’t Make Assumptions. Find the courage to ask questions and to express what you really want. Communicate with others as clearly as you can to avoid misunderstandings, sadness and drama. With just this one agreement, you can completely transform your life.

    Like

  5. Nag mamahal lang ako ng tunay hehe 😛 pero kahit anu pang gawin naten na makalimutan ang isang tao hinding hindi mawawala na mag assume ka paren na mahal kapa niya huhuhu…….but move on teh! ! ! as long as na kaya mong makapag move hihihihi well ang pagiging assuming nasa balat na naten niyan.

    Like

  6. the first tip was quite hilarious~ putting “-as a fiend” in each line that he would say to you. safe from pain but what if he really likes you?
    guy: “i don’t wanna be just your friend”
    me: “-as a friend” (??????)
    the fourth tip is also funny. hahaha.

    Like

  7. Never Ask. Never Expect. never assume. Never Demand. Just let it be. If its meant to be, it will happen.

    Like

  8. Isa sa mga dapat tandaan ng mga babae: Kapag ang lalake e nagbibigay ng maraming oras sa babae, nakasisiguro na kayong interesado sa inyo ito. Walang mag-aaksaya ng panahon sa mga babae knug hindi nila tipo. Ang kelangan nyo laang itanong sa sarili nyo e kung kayo nga ang pakay at hindi ang ibang bagay:

    Kopyahan ka laang ba ng homework?
    Inuutangan ka laang ba?
    Nakikinood laang sya sa inyo ng GoT kasi wala silang cable?

    Kapag hindi sa mga ganun, alam nyong kayo ang pakay nun.

    Like

  9. Maraming salamat po sa tips. makakatulong po sa akin ito. Madalas po akong nag a-assume that later break my heart. Tatandaan ko po ito para next time hindi na po ako masasaktan. Please continue making blogs like this. Alam ko po na marami pa kayong matutulungan sa mga blogs nyo. 🙂

    Like

  10. Iwasan talaga ang maging assuming kasi marami ang nasasaktan dahil dyan. Hindi porket mabait sa’yo ay gusto kana. Di porket inaasikaso ka ay in love na.
    Marami ang sweet sa umpisa pero nagiging bitter ang pagsasama pag naging mag-asawa, paano kasi naging assuming yong isa. “Live happily ever after” na sana naudlot pa. Yan ang resulta ng maling akala.

    Like

  11. Isang give away tip mula sa isang lalaki: hindi kami nag-aaksaya ng panahon sa mga babae kung hanggang friend lang. Pwera na lang kung ginagamit ng lalake ang isang babae sa mga pabor. Merong mga ganun.

    Like

  12. Relate ako sa mga cnav nyo kc ganyan din ako…
    Umaasa ako sa tao na di ko naman alm kung gusto rin nyako ….
    Pro at least ngaun na uintindihan ko na my bagay pla na dpat kong malaman ..

    Um

    Like

  13. kunting concern nya lang sayo feeling mo importanteng importante ka na sa kanya…yah! naging concern cya sa akin dahil mahilig akong isa sa isang araw lang kumain at the rest meal eh, snack nalng… sya yung nag bigay sa’kin ng rice at sya rin ang nag bukas ng can goods para lang kumain ako at nung time na yun busog ako, parang napilitan lang akong kumain dahil mismong crush ko na ang nag force sa’kin to eat kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya, nag tanung yung kaibigan namin sa kanya kung bakit na pa ka concern nya, tas ito yung explaination nya “because i love my mom” napaisip agad ako kong palusot nya lang ba yun para di ko mahalata, pero baka nga siguro kaya sya concern dahil mahal nya ang nanay nya. then, don na nag start na naging assuming lang ako… 😥

    Like

    1. As a human beings, we are vulnerable to confusing kindness with the friendship and love. In our everyday experience, if something has never happened before, we are generally safe in assuming it is not going to happen in the future, but the exceptions can kill you. Try to ask your friend more about that feeling, be brave enough or you will be stuck assuming, you may never know. 🙂

      Like

  14. tnx po sa mga blogs ninyo makatutulong po ito sa akin mahilig kasi ako magassuming lalo na kapag crush ko kahit nagkatinginan lang na hindi sinasadya,,,

    kahit crush langasakit pala.

    Like

  15. The more u assume the more pain u get ..
    pag ba ung lalaki ehh lagi mong mahuhuli na nkatitig sau tox ngkasalubong kayo s daan w/ his friends ehh dun tlg cia s pinka sulok den npncin mong ng change CIA ng posisyon mas mlpit sau .. sa palagAy m poh my gusto kya xia sakin??
    lagi din kc kmi ng ttxt. mgpunta sa bhy. mg bigay ng pasalubong, at manglibre Minsan ‘ niyayaya nya dinaqung mg gimik tox susunduin. sa bhouse.. lgi nga kmi tinutukso ng fren nia.. nu poh ba plagy nyu gusto nya aq o ng aassume lng aq s mga bagy.x skit ehh.. CIA kc ung tipo n guy na cool pero malihim at tahimik advise po plz tnx and gbu

    Like

  16. Truly correct! Dumating sa buhay ko ang malaki at katangahang assumera feeling na yan! Sa pag aakala ko kc na gusto rin ako ni Mr. V. ako na gumawa ng move….kc nga assuming ako na gusto nya rin ako kc very close tlga kami…..to make the long story short….friendship lng pla turing s akin….hayyyy broken pieces agad ako…. Pero matagal ng nagyari yon…ngayon pinagttawanan ko n lng pag naiisip ko. Naging aral din sa akin ang wag umasa at feeling assumera… Naaliw ako sa mg tips mo. God bless

    Like

  17. Kaloka!! Hahaha.
    Minsan na ako nasabihan “gusto kita” ..
    I’m asking Y’ you like me.. Akala ko may kasunod pa… Ayun..
    No answer from him
    Hanggang dun lng pla.. Assumera lng peg.. Nice blog!! Thanks 🙂

    Like

  18. this is really happening to me !!!
    Pano ko po sya maiiwasan …
    hahaha…
    Lagi po kaming may gala na na dalawa lang..
    tas we act like bf/gf.
    Siguro isang assumera lang ako.

    Like

    1. Ou mahirap talaga mag assume. Like kung sinabi niya na gusto ka niya pero hindi pa din kayo nag dedefine relationship na parang he just enjoy your company. aba teh wake up.

      Like

  19. Hayyy assuma,, bat ba nauso kapa lol relate much ako dun ah, ayy ewan dku alam Kung mahal nya ba ako oh ano pag magkasama kami para kami mag bf/gf actually we kiss na on the lips even n public place and hug he always kiss my forehead din and makes me feel like I’m very important to him kaya Lang,, walang label ang relationship nmin ;( dku alam king friend ba o more than na ;(

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s